^

Pang Movies

Dalawang MMFF sa isang taon, next year na sisimulan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa announcement ng Executive Committee at Screening Committee ng 45th Metro Manila Film Festival (MMFF) last Wednesday July 10, may mga nagtaka na bakit kasama ni MMDA Chairman at MMFF Executive Chairman Danilo Lim sina Senator Bong Go at Congressman of Laguna, Dan Fernandez.

Ipinaliwanag ni MMFF Spokesman Noel Ferrer na sila ngayon ang bagong miyembro ng MMFF Executive Committee mula sa Senado at Kongreso na makakatulong nila sa pagbuo ng mga susunod na gagawin ng MMFF.

Isa sa binanggit ni Sen. Bong Go ay ang hiling sa kanya ng mga nakausap na niyang producers na magkaroon ng dalawang Metro Manila Film Festival sa mga susunod na taon. Known fact, na tuwing MMFF lamang daw kumikita ang producers. At ang balak next year na ito sisimulan na susuportahan daw naman ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines.

Dati naman talaga, kung hindi kami nagkakamali, noong time ni Manila Mayor Antonio Villegas at then San Juan Mayor and President of MOWELFUND Joseph Estrada na dalawang beses talaga may film festival. Isa ay June, in time sa Araw ng Maynila, at December, in time sa Christmas.

Anyways, nalaman na nga kung anu-ano ang first four films na napili na ng Selection Committee headed by National Artist Bienvenido Lumbera, na magsisimula nang mag-shooting ang kani-kanilang producers. Ang apat pang pelikula na bubuo sa official 8 movie entries ay pipiliin mula sa isa-submit na finished films sa September 20. Ang scripts naman para sa Short Film Category ay kailangang mai-submit on August 15.

Sharmaine gaganap na may sakit sa utak

Nagustuhan ni Kapuso actress Sharmaine Arnaiz ang role na ibinigay sa kanya ng GMA Network sa bago nilang afternoon prime drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, dahil first time niyang gaganap bilang isang may diperensiya sa utak - mayroon siyang schizophrenia.

Sa serye, si Sharmaine ay si Tina, mother ni Yvie played by Megan Young, na may history of schizophrenia, kaya naman ang mother-in-law ni Yvie, si Adora (Boots Anson-Roa), ay ayaw na ayaw sa manugang niya.

Inamin ni Sharmaine na matatakutin siya sa multo, kaya nagpasalamat siya na bago sila mag-start ng taping, nagpi-pray muna sila, sa pangunguna ni Direk Joron Lee Monroy. Sa July 22 na ang world premiere ng serye after ng Eat Bulaga.

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with