Nonie bilib sa husay ni Bitoy
MANILA, Philippines — Parte ng bigating cast ng pelikula ni Michael V. na Family History ang beteranong aktor na si Nonie Buencamino. Isa rin siya sa mga bilib na bilib sa Kapuso Comedy Genius sa pagsusulat, pagdirek at pagproduce ng film na ito.
Aniya, “Namamangha ako sa kaniyang disiplina, concentration, mahirap ‘yun skill na ganun, umarte at a-analyze ka kung anong nangyayari sa eksena, which I’m very happy to be part of the process.” Wow!
Excited na kami mapanuod ang obra ni Bitoy on July 24. Makakasama rin sa movie offering ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment sina Dawn Zulueta, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, John Estrada, Ina Feleo, at marami pang iba.
Serye nina Kris, Rayver at Megan nakakaintriga!
Maraming tanong ang bagong suspense-thriller teleserye ng GMA-7 na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko na pagbibidahan nina Kris Bernal, Rayver Cruz, Kim Domingo at Megan Young.
Umani ng papuri ang teaser ng teleserye at marami ang nasindak sa acting ni Kris na mukhang gaganap bilang isang multo na gagambala sa buhay mag-asawa nina Megan at Rayver. Sabi pa ng isang YouTube user, “Infairness ah bagay sa kanya ang role kontrabidang multo.”
Tunghayan ang nakakagimbal na istorya ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko simula Hulyo 22 sa GMA-7 Afternoon Prime.
- Latest