^

Pang Movies

Sunshine balik sa pagpapa-sexy sa art film!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine balik sa pagpapa-sexy sa art film!
Sunshine Cruz

Pinag-uusapan ngayon na magpapa-sexy na raw ulit si Sunshine Cruz dahil sa gaga­wing pelikula na para sa kanya ay isang ‘art film’. Bukod doon, sinasabing sa ngayon ay wala nang restrictions kung ano man ang maaari niyang gawin sa pelikula, nasa kanya na ang lahat ng desisyon.

Sabagay, noon nga ay mas matindi pa ang mga nagawa niya. Pero si Sunshine, alam naman niya kung ano ang dapat niyang kalagyan.

Una sinasabi ngang meron siyang ginawang love scene, pero hindi naman kagaya noong mga love scene sa mga pelikula na ginawa niya noong araw na talagang nakahubad at halos nakabilad na ang dibdib. Meron pa ngang iba na mas malalakas ang loob na hindi lang ang dibdib ang ibinibilad.

Si Sunshine, kahit nakagawa ng sexy movies noong araw, hindi naman siya gumawa ng mga bastos talaga, ang na-ngibabaw ay iyong kanyang talino sa pag-arte. Tingnan ninyo iyong iba na ang naging puhunan lamang ay pagbibilad ng katawan, nasaan na ngayon? Pero si Sunshine nandyan pa rin at nang balikan ang kanyang career, may nangyari pa rin.

Iyon naman siguro ang hindi na niya isusugal sa ngayon para sa isang pelikula lamang.

Alam naman ni Sunshine kung ano ang kanyang limitasyon, lalo nga at malalaki na ang kanyang tatlong anak na puro mga babae pa naman. Hindi rin naman siya gagawa nang hindi maganda.

Kung noong araw nga naiwasan niya iyan, ngayon pa ba siya sasabak sa ganyan. Siguro kung noong araw ay tinanggap na niya ang offers na bold, aba eh mas sumikat siya noon.

Si Sunshine, sa naging experience na niya sa showbusiness, siguradong hindi na iyan magkakamali sa ngayon.

Bianca hindi nakapalag kay Coco

Medyo mabigat para kay Bianca Umali iyong itinapat ang kanyang serye kay Coco Martin. Isipin ninyo, lahat ng ginawang serye sa nakaraang tatlong taon at ang ibinala ay iyong pinaniniwalaan nilang pinaka malalakas nilang artista, hindi pa rin tumalab kay Coco. Bakit naman ngayon ay si Bianca ang kanilang ibinala?

Maganda na sana ang posisyon ng serye ni Bianca, kung natatandaan ninyo, makalawang ulit yatang natsambahan niyang talunin sa ratings ang serye ni Angel Locsin. Kung iyon ang pinagtiyagaan nilang labanan, mas may chances kaysa iyong ibinangga siya kay Coco.

Kung iisipin mo rin, bakit hindi ang serye nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado na Love You Two ang ibinangga kay Coco? At lalong bakit hindi iyong bago na pinangungunahan ni Derek Ramsay ang ibinangga?

Parang may mali.

Dating discovery ng isang TV network, idinaan sa selfie ang paglaladlad!

Iyong isang dating discovery ng isang TV network na mabilis pa naman sanang dumami ang fans noong araw, tuluyan na yatang bumigay. Ngayon ang tsismis ay mukhang may relasyon siya sa isa pa ring gay na sumali naman sa isang reality show ng ibang network. At mukhang bilang pag-amin sa kanyang gender preference, marami siyang inilabas na selfie na medyo compromising.

Kung sabagay buhay nila iyan. Mabuti pa nga sila nagsasabi na nang totoo. Iyon ngang isa riyan hanggang ngayon ayaw pang magladlad kahit na inamin na ng kanyang mga naka-relasyon na nahuli silang dalawa ng girlfriend noon.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with