Si Ariella Arida ang beauty queen na talagang Pinay na Pinay ang hitsura.
Lately, hindi na mga pure Filipino ang mga beauty queen natin dahil may foreign blood sila. Sa apelyido pa lang, obvious na may ibang lahi sila gaya nina Pia Wurtzbach, Rachel Peters, Catriona Gray at Venus Raj.
Hindi sila katuald ni Ariella na Pinay na ang looks, Pinay na Pinay pa ang pangalan.
Endorser si Ariella ng Cosmo products nina Red Gatus at Nino Bautista.
Nagtaka ako dahil ang ingay-ingay noon ng mga pangalan nina Red at Nino pero biglang nawalan ng ningning?
Okey naman ang publicist nila na si Chuck Gomez, pero parang mas maingay ang pangalan nina Nino, Red at ng Cosmo products noong si Jun Lalin ang publicist nila?
Hindi kaya dahil mas maingay si Jun kesa kay Chuck? Joke, intriga lang pero good endorser si Ariella dahil sa kanyang classic beauty.
Na-maintain niya ang kanyang face and body na nagpanalo sa kanya na Bb. Pilipinas Universe noong 2013 at third runner up sa 62nd Miss Universe.
Nakilala ko si Ariella nang personal noong co-host siya ni Willie Revillame sa Wowowin. Nagandahan ako sa kanya kaya hindi na ako nagulat nang malaman ko na Cosmo beauty na siya.
Nadine at Sam nag-shooting sa Korea!
Sa August 7 na ang showing sa mga sinehan ng Indak, ang dance movie ng Viva Films na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion.
Ang Indak ang unang movie directorial job ng magaling na concert director na si Paul Basinillo.
Ang Indak ang unang movie ni Nadine na ipalalabas matapos na manalo siya na best actress sa FAMAS Awards at Gawad Urian.
Kung ipinakita ni Nadine ang husay nito sa drama sa Never Not Love You at Ulan, ang talent naman niya sa pagsayaw ang mapapanood sa Indak.
Matagal nang magkaibigan sina Nadine at Sam kaya komportable na sila sa isa’t isa sa shooting ng Indak na bongga dahil kinunan ang ilang mga eksena sa South Korea.