^

Pang Movies

Sunshine hindi inaapura ang pagpapakasal

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine hindi inaapura ang pagpapakasal
Sunshine Cruz

Talagang todo ang sipag na ipinakikita ni Sunshine Cruz sa kanyang trabaho. Habang bakante pa sa paggawa ng mga serye sa telebisyon, sa pelikula naman siya at kahit na nga indie, ginawa rin niya. Iisa lang ang dahilan ng lahat ng kanyang pagsisikap. Sinasabi niyang gusto niyang maibigay sa kanyang mga anak kung ano ang pinaka mabuti para sa kanila.

“Kahit na sinong magulang naman gustong ibigay ang pinaka-mabuti para sa kanilang anak. Ako na-realize ko na long time ago na kailangan magsikap talaga ako para sa tatlong anak ko. Kung may dumating na tulong para sa kanila ok lang. Kung wala naman, hindi dahilan iyon para hindi maibigay sa kanila kung ano ang mga kailangan nila lalo na sa edukasyon,” sabi ni Sunshine.

Isa iyan sa pinoproblema ni Sunshine noong araw, iyang child support, pero ngayon nga sinasabi niyang hindi na niya iniisip iyon.

“Kasi makukunsumi ka lang eh. Mag-uusap hindi rin naman matutupad, eh di makukunsumi lang ako kaya ang ginagawa ko nagsisikap na lang ako para sa mga anak ko. Sinabi ko naman sa kanila, na nagsisikap ako para maibigay sa kanila lahat ng kailangan nila. Puwedeng may mga bagay silang gusto na hindi ko maibigay, hindi dahil sa ayoko o ang feeling ko they don’t deserve it pero dahil hindi ko pa kaya. Kaya sinasabi ko naman eh, baka hindi ko maibigay iyong luxury ng buhay, pero pinagsisikapan ko lahat ng needs nila maibigay ko. Sinasabi ko nga sa kanila, pasensiya na muna dahil alam naman nila hindi ganoon kaganda ang kita sa industriya natin ngayon. Pero hindi naman sila kinakapos. Ang ikinatutuwa ko lang, naiintindihan iyon ng mga anak ko,” sabi ni Sunshine.

“Happy naman ako sa trabaho ko. I am thankful nakakakuha ako ng trabaho kahit na saang network, hindi ako nawawalan ng assignments. Ngayon nga may natapos akong pelikula for Cine­malaya. Puwedeng maliit na trabaho pero basta hindi nawawala, ok lang,” kwento pa ni Sunshine,

Pero maliwanag nang libre na siya sa kanyang naunang kasal, wala pa bang plano?

“Hindi immediately. Hindi naman kailangang magmadali eh,” sabi pa ni Sunshine.

Dalawang male personality, sa abroad nagpapakaligaya

Nagkita nga pala sa abroad ang mag-syota. Iyong isa ay may trabaho roon at that time. Iyong isa naman talagang sumunod lang para makita ang love of his life. May kanya-kanya naman silang schedule talaga pero siyempre naisingit pa rin ang kanilang pagkikita. At kung nagkita, natural lang na “pagsaluhan nila ang tamis ng pag-ibig”.

Kung sa bagay matagal na namang nababalita ang kanilang relasyon kaya hindi na tayo dapat magtaka. Ang nakaka-shock lang kasi ay pareho silang lalaki.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with