Anak ni Marc Logan ikinasal

Ang wedding kahapon sa Our Lady Of the Abandoned Parish sa Marikina City ni Justin Ponti (na naging field teporter ng TV Patrol at nakilala bilang Justin Logan) na anak ni ABS-CBN news anchor Marc Logan at ng SPEEd President Ian Fariñas.

In fairness, kahit hiwalay na sina Marc at Ian, friends naman sila, kaya magkasama nilang inihatid sa altar si Justin.

Para rin silang sina Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren na friends pa rin kahit nagkahiwalay na.

Wala ngang problema kay Ogie na kasama niya si Michelle (na kasama ang husband nito na si Mark Morrow) habang kasama niya ang second wife na si Regine Velasquez-Alcasid at ang kanilang mga anak.

One big happy family sila.

Kapuri-puri ang mga katulad nila na nauwi man sa hiwalayan ang pagsasama bilang mag-asawa, masaya namang magkasama bilang magkaibigan para na rin sa kanilang mga anak!

Hindi na masyadong uso na nag-aaway-away ang magkaka-ex, huh!

Martin at Pops sinorpresa si Ruffa!

Ang The Best Night Ever kagabi sa The Marriott Grand Ballroom.

Ang nasabing dinner concert ay tribute kay Ruffa Gutierrez na magbi-birthday bukas.

Hindi ko na sasabihin ang edad ni Ruffa dahil hindi naman siya mukhang magpo-45 na bukas. Hahaha!

Anyway, siguradong kalat na naman ngayon na ang ex-couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez ang nag-surprise kay Ruffa kagabi.

Nailihim talaga kay Ruffa ang surprise na ‘yon sa kanyang birthday dinner concert dahil kahit ang direktor ng show na si Erick Salud ay hindi sinabihan ni Annabelle Rama kung sino ang magsu-surprise kagabi.

Pati ang headwriter ng show, si Garlic Garcia, ay wala ring idea na sina Martin at Pops ang darating kagabi.

Sobrang natuwa ang mga nanood dahil pati sina Martin at Pops ay kumanta sa show na ‘yon.

Sobrang thankful naman ni Ruffa sa dalawa.

Nakaka-touch daw.

Sabi ni Bisaya, happy siya sa ginawa nina Martin at Pops.

Showbiz couple malapit nang i-announce ang big event sa kanilang buhay!

Very soon ay may ia-announce ang isang showbiz couple.

Pinaghahandaan na nila ang big event sa kanilang buhay na noon pa rin hinihintay ng mga nagmamahal sa kanila.

Kung ano ang announcement na ‘yon ay tiyak na pag-uusapan ng lahat!

Wait-wait lang dahil malapit na ‘yon!

Show comments