^

Pang Movies

Pelikula nina AiAi at Bayani hindi kalakasan ang ‘support’

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pelikula nina AiAi at Bayani hindi kalakasan ang ‘support’
Bayani

Mawalang galang na po sa ibang mga director ng pelikula, pero sa palagay namin isa sa pinakamatino na pelikula ni AiAi delas Alas ay itong Feelennials. Ang nakita namin ay talagang isang pelikulang “glossy”. Hindi mo masasabing minadali ang trabaho. Hindi mo masasabing binarat ang produksiyon.

Makikita mo sa mga location pa lang ng pelikula, talagang malaking gastos. Ganyan ang mga pelikulang malaki ang budget noong araw na matagal na na­ting hindi nakikita. Kasi nga ang mga pelikula ngayon karamihan ay binabarat ang pagkakagawa.

Pagdating sa acting nina AiAi at Bayani, talaga parehong mahusay sila. Dahil pareho ngang komedyante, makikita mo ang perfect timing lalo na sa pagpapalitan nila ng linya. Ang ganyang palitan ng salita, nagagawa lamang noong araw nina Mang Dolphy at Dely Atay Atayan sa John and Marsha.

Napili nilang bigyan ng break ang mga baguhan sa pelikula. Iyong gumanap na anak ni AiAi ay si Arvic Tan. Napanood na iyan doon sa serye ng GMA-7 na ang bida ay si Kylie Padilla. Napanood na rin siya sa ABS-CBN sa serye nina Jodi  Sta. Maria at Sir Chief na si Richard Yap. Pero hindi nga masyadong nabigyan ng build up si Arvic.

Itong role niya sa pelikula nina AiAi at Bayani, siguro masasabing pinakamalaking break niya. Aba eh bida siya dahil sila ang gumawa ng apps na Feelennial na siyang nagsimula ng love affair nina Bayani at AiAi. Mahusay din naman ang acting ni Arvic ha, na to be honest hindi namin napansin doon sa mga seryeng ginawa niya.

Iyon namang partner niya, si Raffy Roque, sumali pala iyan sa I Can See Your Voice ng ABS-CBN at nanalo siya roon. Magandang bata, mahusay kumanta at mahusay din namang umarte pero hindi pa nabibigyan ng build up kaya ito rin pelikulang ito ang masasabing pinakamalaking break niya.

Pero may isa pa kaming punto eh. Si AiAi, kinilalang box-office queen in the past. Pero kung natatandaan ninyo, ang mga malalakas niyang pelikula noong araw, napakalakas din ng supporting cast. Halos lahat ng mga sikat na bagets ginagawang anak niya sa pelikula. Malalakas din ang leading men niya. Doon sa isang pelikula, si Vic Sotto pa ang partner niya. Si AiAi magaling, pero kailangan ang malakas na support.

Siguro kung ang naibigay na support kina AiAi at Bayani ay mga sikat na stars din, siguradong malaking hit ang Feelennials.

Ang isa pang maaaring nagawa, kung nabigyan lang nang tamang build up ay sina Arvic at Raffy bago ang pelikula, mas malakas din ang dating.

Ngayon, ang challenge diyan sa Feelennials, mahusay ang pelikula pero lumalabas na mahina ang supporting cast, kaya ang bigat ng pelikula ay bumabagsak lang kina AiAi at Bayani.

Ang tanong ay makakaya ba nila?

Sana makayanan dahil sayang eh, maganda ang pelikula. Pero alam naman ninyo rito sa atin, kailangan malakas agad ang pelikula mo sa mga unang araw, kung hindi mababawasan ka na ng sine.

Medyo pilay ka na noon. Ang pagkakagawa ng Feelennials, main stream movie. Hindi iyan kagaya noong ibang mga indie. Low budget siguro pero mahusay ang pagkakagawa. Iyon nga lang medyo mahina ang supporting cast. Pero sana nga maka­yanan nina AiAi at Bayani na dalhin ang pelikula na silang dalawa lang ang inaasahan.

BAYANI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with