Alden mapapanood sa Dos!

Alden Richards

Dalawang shows lang sa Channel 2 ang pupuntahan ni Alden Richards sa TV promotion ng movie nila ni Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema.

Ayon ito sa manager niya sa GMA Artist Center, si Daryl. Ang shows na bibisitahin ng Pambansang Bae ay ang Umagang Kay Ganda at Magandang Buhay. Rason ng manager, yun din ang mga show na binisita ni Dingdong Dantes nung gumawa siya ng movie sa Star Cinema.

Maging sa talk show ni Boy Abunda ay hindi aapir si Alden at sa ASAP dahil katapat ito ng Sunday PinaSaya.

Pero last Sunday sa Trinoma dumalo si Alden para sa official poster and playdate reveal. Sa July 31 na ang showing ng Hello, Love, Goodbye. Umabot na sa 1-M views sa digital platform ng teaser.

Eddie dadalo sana sa Nominees Night ng SPEED kung hindi naaksidente

Congratulations sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) dahil sa tagumpay ng kanilang Nominees Night last Saturday. 

Present para tanggapin ang kanilang certificate of nomination sina Dingdong Dantes at Glaiza de Castro.

Sa nasabing okasyon isang panalangin para kay Eddie Garcia ang ginawa at binasa nila. Bukod pa ito sa naunang statement ng pananalangin para sa veteran actor. 

Ang usap-usapan nga eh kung hindi naospital si Tito Eddie malamang na dumalo sya sa Nominees Night. Sa darating na Eddys, nominado siya bilang Best Actor para sa Rainbow’s Sunset.

Show comments