^

Pang Movies

Sky at Knowledge channel tuloy ang pagtulong sa mga estudyante

Pang-masa
Sky at Knowledge channel tuloy ang pagtulong sa mga estudyante

MANILA, Philippines — Mahigit sa 250,000 na mga mag-aaral sa malalayong parte ng bansa ang nagagabayan ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI), sa pagsasanib pwersa nito sa SKYdirect, ang direct-to-home satellite TV service ng SKY sa paghahatid ng “multimedia curriculum-based” na edukasyon.

Gamit ng SKYdirect ang satellite television technology, kaya hindi na kinakailangan ng mga komplikadong aparato para maiparating ang serbisyong edukasyon ng Knowledge Channel. Mas pinatatag naman ng KCFI ang pagbibigay ng edukasyon gamit ang “multimedia learning resources” hatid ng SKY. Nagiging madali ang pagtuturo ng mga guro sa pamamagitan ng mga umeereng mga programa ng KCFI sa Knowledge Channel na mas naiintindihan ng mga mag-aaral.

“Sa pamamagitan ng aming pakikipag-partner sa KCFI, mas naipaparating sa kabataang Pilipino ang mga kwento ng pag-asa,” saad ni SKY Corporation president and chief operating officer Antonio Ventosa.

Ang dating Sky Foundation Inc. noong 1999, ang KCFI ay ang unang gumamit ng telebisyon para palaganapin ang edukasyon sa bansa. Noong 2016, sa pamamagitan naman ng SKYdirect Gift of Knowledge kits, mas maraming batang mag-aaral na nakatira sa sa Batanes, Palawan, Negros Oriental, at Compostela Valley ang nabigyan ng edukasyon. 

“Dahil sa mga SKYdirect sa iba’t-ibang dako ng bansa, nagkaroon ng kakampi ang KCFI na maabot ang iba’t-ibang klase ng mag-aaral sa buong bansa,” ayon kay Rina Lopez-Bautista, co-founder, president, at executive director ng Knowledge Channel Foundation Inc.

“Araw-araw, mas marami ang natutulungan ng SKYdirect, lalo na ang mga naka-enrol sa pinakamalalayong parte ng Pilipinas,  mga  day-care centers, Alternative Learning System (ALS), at mga pampublikong lugar na SKYdirect ang ginagamit makanood lang ng Knowledge Channel,” dagdag pa ni Lopez-Bautista.

Sa nakalipas na sampung taon, napatunayan na ng Knowledge Channel ang pagtaas ng iskor ng mga mag-aaral sa Valugan Elementary School, Basco Central Elementary School at Basco Science High School sa National Achievement Test sa tulong ng panonood ng Knowledge Channel.

SKY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with