Sayang at naging semi-finalist lamang si Maria Isabela Galeria, candidate from Sorsogon sa katatapos na Binibining Pilipinas-Universe contest, na ginanap sa Araneta Coliseum.
Nakaka-impress nga naman kasi ang suportang ibinigay ni Heart Evangelista sa kanya, from the start of the contest to the end.
Heart, of course, is the incoming First Lady of Sorsogon. Senator Chiz Escudero has been elected Governor of the province sa katatapos na mid-elections.
Maria Isabela is one of the models ng Farah Ramos D Modeling Agency.
Heart urges her husband, former Senator Chiz, to make Sorsogon the perfect province for all its residents.
Governor Chiz and his family are all na Sorsogueño.
Samantala, at the presscon for Starstruck 7, where Heart, together with Cherie Gil and Jose Manalo, is a member of the co-called board of judges, Heart revealed that her family, the Ongpauco, used to own a movie production called Everlasting Pictures.
But since the film firm existed before she was born, Heart cannot say much about it.
The Ongpauco are better known in the eatery business. Their crispy pata remains one of the best in town.
Alden kinukumbinsing pasukin din ni Kathryn ang restaurant business
Of eateries, kinukumbinsi raw ni Alden Richards si Kathryn Bernardo to venture into the restaurant business.
Well, obviously, like him, who now own two Concha’s Eatery at franchisee ng isang kilalang food chain.
Kathryn, for her part, owns a nail and beauty salon na may branches sa tatlong kilalang malls.
Naging close sa isa’t isa sina Kathryn at Alden when they were shooting for their soon-to-be released movie for Star Cinema, Hello, Love Goodbye. Sa Hong Kong kinunan ang halos kabuuan ng pelikula.
Both Kathryn and Alden play OFW (overseas Filipino workers) in the movie. Ganundin ang kanilang mga co-star na sina Maymay Entrata at Kakai Bautista.
Sa pelikulang ito, na dinirek ni Cathy Garcia-Molina, mapi-feel ng manonod ang hirap na dinaranas ng mga OFW. Foremost nga ang pagiging malayo nila sa kanilang pamilya.
“Ako, na-feel ko ang kanilang hirap at kalungkutan,” ani Kathryn of the OFWs na nakasalamuha niya sa Hong Kong. “Dalangin ko na dumating ang araw na magkaroon ng sapat na trabaho para sa ating mga Pilipino sa Pilipinas, para hindi kailangan ng ating mga kababayan na magtrabaho sa ibang bansa para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.”
Amen, Kathryn.
Angeline tatlong taon nang ex si Erik
Singer-comedian K Brosas is a happy Mom. Her dream to have her only daughter, Crystal , finished college have been realized.
Ang isa pa, may single na ito, titled Walang Malay, na available na on Spotify and in digital stores.
Anytime soon, too, she and Crystal will transfer sa bagong tayong bahay nila. Hindi lang tiniyak ni K kung saan ito located.
And on July 12, let’s not forget that her concert with Angeline Quinto na Angeline K ‘to, Concert Namin ‘To, will happen at the Smart Araneta Coliseum, with John Prats directing.
Bago nga pala namin makalimutan, almost daily, napapanood si K bilang isa sa mga judges ng ongoing singing tilt sa It’s Showtime, Tawag Ng Tanghalan.
Samantala, someone asked kung kumusta raw kaya ang lovelife ni K.
Sa concert na ito nina Angeline at K, special guest si Erik Santos, ex ni Angeline for three years now.