^

Pang Movies

Pelikula ni Pokwang napansin sa Czech Republic

Pang-masa
Pelikula ni Pokwang napansin sa Czech Republic

MANILA, Philippines — Kabilang ang pelikulang Oda sa Wala ng Filipino filmmaker na si Dwein Baltazar sa diverse selection ng mahuhusay na films in competition sa ika-54 na edition ng Karlovy Vary International Film Festival (KVIFF). Ito ang kaisa-isang Filipino film na lalaban sa nasabing prestihiyosong film festival ngayong 2019.

Itinatag noong 1946, ang KVIFF ang pinakamalaking film festival sa Czech Republic, ang nangungunang film event sa Central at Eastern Europe, at isa sa longest-running film festivals sa mundo. Nasa iisang kategorya rin ang KVIFF, Cannes, Berlin, Venice, San Sebastian, Moscow, Montreal, Shanghai, at Tokyo bilang mga pinaka-prestihiyosong film festival sa buong mundo.

Itinataguyod ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang film agency ng bansa, ang diversity at gender inclusivity sa film industry. “Isang mahalagang achievement sa Philippine cinema ang pag-compete ng ‘Oda sa Wala’ sa isa sa top-tier film festivals sa mundo. Maliban sa ito ang bukod-tanging competing Filipino film sa Karlovy Vary ngayong taon, si Dwein Baltazar din ang kauna-unahang Filipino female director na lalaban sa isang A-list film festival sa Europe. Bilang isang Filipino at isang babae, dapat nating i-celebrate ang ganitong representation sa film industry”, sabi ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng producer na si Bianca Balbuena ang magandang balita at inalala niya ang pakikipag-usap niya sa Festival Director ng KVIFF na si Karel Och tungkol sa Oda sa Wala. Sabi niya,“Nag-message sa akin si Karel, ‘Naintriga kami sa pelikula at na-iimagine naming kasama ‘yun sa listahan ng candidates para sa Main Competition, na pag-uusapan sa April. Pero masyado pang maaga para gumawa ng desisyon ngayon.’ Kaya pikit-mata kong tinanggihan ang ibang fests at nagdesisyong maghintay.”

Magkakaroon ng North American premiere ang Oda sa Wala at lalaban ito sa Camera Lucida section ng Fantasia Film Festival sa Montreal, Quebec na mangyayari mula Hulyo 11 hanggang Agosto 1, 2019.

Ang ika-54 na edition ng Karlovy Vary International Film Festival ay gaganapin simula Hunyo 28 hanggang Hulyo 6, 2019 sa Karlovy Vary sa Czech Republic.

POKWANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with