MANILA, Philippines — Parang may agimat si Coco Martin noong makipaglaban sa grupo ng mga adik sa Brgy. Sapang Bato, ni hindi man lang nagalusan ang aktor sa kabila ng umuulang bala at pana na isinalubong sa kanilang pagpunta sa balwarte ng masasamang loob. Muntik pa nga siyang mapuruhan ni Baron Giesler noong maligaw sa lugar nito.
Inaabangan ang paghaharap nilang dalawa, mukhang super hero si Coco na hindi puwedeng itumba ni Baron.
Pagsasama-sama ng mga malalaking bituin minsan lang mangyari
Nakaka-touched ang Gabi ng Parangal ng PMPC na ginanap sa Resorts World para sa ika-35 anibersaryo nito, bibihira ang makakapagtipun-tipon ang mga local screen giants sa isang gabi ng parangal.
Naroroon sina Bong Revilla, Eddie Garcia, Christoper de Leon, Tirso Cruz III, Niño Muhlach, Phillip Salvador, Dante Rivero at ang Philippine movie queen Gloria Romero. Samantala, hindi naman nakarating sina Superstar Nora Aunor, Congressman Vilma Santos, ex-Mayor Erap Estrada at miss Anita Linda. Karespe-respetong tingnan ang mga natatanging siglo stars ng gabing iyon.
Nandoon din sina Ramon Revilla Sr. at ang walang kupas na movie queen na si Gloria Romero.
Inihandog ni Gloria sa nag-iisang anak na si Maritess Gutierrez at nag-iisang apo na si Christoper.
Shaira sinuswerte
Masuwerte si Shaira Diaz na dating bini-build up ng TV5. Bida siya ngayon sa seryeng Love You Two kasama sina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.
Bukod kay Shaira, si David Licuaco naman ang lumulutang ngayon ang pangalan dahil sa talent at acting niya.
Maligayang kaarawan!
Birthday greetings to movie stars celebrants:
Ms. Leah Orosa, Liberty Ilagan, Lardizabal, Ricky Davao, Lance Raymundo, Tonee Corraza at Baron Giesler.