Shaina ayaw nang makatrabaho kahit kailan si John Lloyd

Shaina Magdayao, John Lloyd Cruz

Naniniwala si Shaina Magdayao na hindi na niya nakikitang magkakasama pa sila ni John Lloyd Cruz sa trabaho matapos ang mga nangyari sa kanila noon.

Gusto rin niyang irespeto kung anuman ang ginagawa nito sa buhay ngayon na alam na nating lahat.

 Maalalang maraming pinagdaan ang kanilang relasyon noon na ang pinaka-malala ay nang pumutok ang intrigang isinugod daw sila sa hospital dahil sa kakaibang medical condition na nakukuha sa pakikipagtalik.

Pero mahaba ang nilakbay pareho ng buhay nila at halos limot na nga ang nasabing kuwento noon.

“Ang dami ko ring ibang ginagawa na wala rin namang kinalaman siya. Gusto ko na lang iwan doon. Gusto kong irespeto kung nasaan man siya sa buhay niya nga­yon,” sabi naman ng aktres sa mga nag-interview sa kanya kahapon sa presscon ng digital series na Past, Present, Perfect na napapanood sa iWant na ang kuwento ay kung paano makakatulong ang sakit ng nakaraan para maka-move on sa buhay.

Mapapa-throwback at makaka-relate nga ang lahat sa kwento ng isang writer na nangarap, umibig, at nasaktan sa bagong original series na Past, Present, Perfect? na napapanood na ngayon sa iWant at pinagbibidahan ni Shaina and Loisa Andalio.

Bilang isang high school student, taglay ni Shantal (Loisa) ang pambihirang talento sa pagsusulat. Mapapansin ito ng kanyang high school professor na si Daniel (Vin Abrenica) na hihikayatin siyang kumuha ng creative writing sa kolehiyo.

Dahil sa hilig nilang magbasa, magiging close ang dalawa at mahuhulog ang loob ng dalaga sa kanyang guro. Gamit ang mga salita, lihim na ipapahayag ni Shantal ang pagtingin kay Daniel sa pamamagitan ng mga tula.

 Ngunit mauuwi sa pagdurusa ang feelings ni Shantal nang tanggihan ito ni Daniel matapos niyang ipagtapat ang nararamdaman sa kanilang graduation ball.

Sa kasalukuyan naman, hindi pa natutupad ni Shantal (Shaina) ang pangarap na magsulat ng mga tula at nobela. Para kumita naman ng pera, nagta-translate siya ng text books at nagsusulat ng subtitles para sa porn.

Dagdag-pahirap pa sa kanya ang nararanasan niyang writer’s block, kung kaya’t hindi siya makagawa ng karugtong na libro sa nauna niyang romance pocket book.

Mahanap pa kaya ni Shantal ang lakas ng loob at tiwala sa sarili upang matupad ang kanyang pangarap? Paano siya matutulungan ng kanyang nakaraan para mabago niya ang kanyang buhay at kinabukasan?

Show comments