^

Pang Movies

Catriona balik-Pinas para ipasa ang korona

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Catriona balik-Pinas para ipasa ang korona
Catriona Gray

Nasa bansa na ulit si Miss Universe 2018 Catriona Gray para ipasa niya sa susunod na lucky candidate ng Bb. Pilipinas ang korona bilang Miss Universe Philippines.

Pinost nga ni Queen Cat sa Instagram ang isang photo habang nakasilip siya sa bintana ng eroplano. Nilagay niya ang caption na “Home”.

Looking forward si Catriona sa pag-uwi parati sa Pilipinas dahil marami siyang nami-miss dito. Kelan lang ay nakaramdam ng pagiging homesick si Cat nang mapanood niya sa Carnegie Hall noong nakaraang May 31 ang mga nag-perform na mga batang Pinoy.

Sa pag-uwi ni Catriona, nilabas na ng MEGA magazine ang kanyang June 2019 cover. Laman nito ay ang update sa buhay ni Catriona sa New York, ang kanyang advocacies at ang kanyang responsibility to empower women sa buong mundo.

During her magazine interview, nasabi ni Catriona ay: “You realize that when you have the sash, you are representing every single person. There is a pride and there is something that you need to step up to.”

Miguel type na type mag-travel mag-isa

Sa mga hindi nakakaalam ay mas gusto pala ng Kapuso actor na si Miguel Tanfelix ang bumiyahe sa ibang bansa na mag-isa lang.

Adventurous daw kasi itong si Miguel at mas marami raw siyang mae-explore kung mag-isa lang siya kesa sa may kasama siya.

Inamin ng aktor na medyo takot siya sa kanyang gustong gawin, pero part daw iyon ng magiging experience niya.

Unforgettable kay Miguel ‘yung bumiyahe siya ng mag-isa sa bansang Cambodia. Nag-stay siya sa isang hostel at kasama niya roon ay mga kapwa travelers niya.

“Hindi naman nila alam na artista ako kasi galing sila sa iba’t ibang bansa. Nakakatuwa na may mga nakikilala ka na galing pa sa malalayong bansa. Yung pareho ang hilig ninyo sa adventure at traveling.

“Okey naman kasi nao-open up ka rin sa culture nila. Nase-share mo rin kung saan ka galing,” ngiti ni Miguel.

Maeksperimento rin daw si Miguel at gusto niyang ma-capture iyon para sa kanyang YouTube channel.

Fergie nag-file officially ng divorce sa aktor na asawa

Nag-file na officially ang Black Eyed Peas member na si Fergie ng divorce sa kanyang estranged husband, ang aktor na si Josh Duhamel.

Sa Pasadena, California courthouse nag-file si Fergie. Noong September 2017 pa sila naghiwalay after eight years of marriage.

Since their separation in 2017, naging co-parent ang dalawa sa 5-year old son nila na si Axl Duhamel.

Inasam pa raw ng dalawa na magkaroon sila ng isa pang anak. Pero hindi na raw nila ito tinuloy.

Na-date ni Josh ang aktres na si Eiza Gonzalez noong 2018, pero it ended after five months. Inamin niya na he wants to have more kids.

CATRIONA GRAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with