Formerly a housemate of Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition, Roxanne Barcelo said, minabuti niyang huwag nang magka-boyfriend mula nang mag-break up sila ni Will Devaughn, himself a former PBB contestant.
Not that nasaktan siya sa labis na break-up nila ni Vaughn, it was nga raw an amicable break up.
She has no idea what’s keeping Vaughn busy these days. In her case, she is in the cast of the movie, Way of the Cross, which is an international movie with father and son, Antonio and T-Boy Diaz, directing.
The cast include, too, Miguel Vasquez, Giovanni Respall, Yussel Estevez, Apollo Abraham at Danielle Chopin, among others.
James payag na mag-Darna si Nadine
James Reid may be doing himself a favor with his decision to no longer do the famous Komiks character, Pedro Penduko. Parang ‘di na sold, lalo’t ang mga baguhang manonood na tangkilikin ang mga palabas tungkol sa folk hero na five decades ago ay paborito na panoorin ng mga manonood ng local series.
Three times din itong Pedro Penduko na nagawa as a movie, The first one had the older Efren Reyes playing the title role.
“Natikman” din nina Ramon Zamora at Janno Gibbs na gampanan ang dalawang huling pelikula about the folk hero.
In fairness, ginawan pa ng ABS-CBN ng series ang Pedro Penduko, with then newcomer Matt Evans doing the top role.
Ask ko lang kung nasaan na ngayon si Matt?
Of James, kaya nag-beg off daw siya na gawin ang movie is because nagkaroon diumano siya ng spinal injury, and since his role sa Pedro Penduko would require him to do action scenes and do stunt as more than necessary, he decided na huwag nang gawin ang movie.
Grateful daw si James that the “power” behind Viva Films, which would have produced Pedro Penduko, understand.
Ang tanong ngayon: Matuloy pa rin kaya ang pagsasapelikula ng Pedro Penduko? With another leading man?
Well, abangan.
Of Nadine Lustre, his real-life girlfriend, he would be glad daw if Nadine would submit to an audition for the top of Darna and she got it.
“I do think Nadine is perfect for the role. She is sexy, besides, na malakas din ang loob. At ‘di nga ba in interviews, madalas niyang banggitin that she would love na makasama si Robin Padilla in one action movie,” ani James.
Ryza masaya sa mga role na natatanggap
Watch natin, Salve A. si Ryza Cenon developed into an actress to reckon with. No doubt, na talagang agaw-pansin siya sa kanyang role bilang isa ring sundalo na matindi ang sakit ng loob na dinadala, sa top series na The General’s Daughter.
Una, na-discover na niyang ‘di siya anak ng mga kinikilalang mga magulang, performed by Albert Martinez at Eula Valdez. Bale ba, natuklasan niya na ang anak pala nina Albert at Eula ay ang papel na ginagampanan ni Angel Locsin.
Eh, matagal na siyang may kimkim na hinanakit kay Angel, dahil si Angel ang bagong pag-ibig ni JC de Vera, na dati niyang boyfriend.
Kalmado lang ang performance niya sa kanyang role, lalo pa nga at madalas din niyang maka-eksena ang isa pang napakagaling na aktres na si Maricel Soriano.
“Truth to tell, I never realized mabibigyan ako ng pagkakataong matsa-challenge ako sa pag-perform ng papel assigned to me,” ani Ryza.
A product of the second season of the 2005 Starstruck ng GMA Network, she was satisfied na with the roles assigned to her.
Then she turned Kapamilya via the series, FPJ’s Ang Probinsyano, where she played the President’s daughter (played by Rowel Santiago).
Before she knew it, she was “killed” in the series.
Then came The General’s Daughter.