Juris napiling kumanta ng theme song ng MMK

Natuwa ang fans na si Juris Fernandez-Lim, ang kumanta ng anniversary single ng Maalaala Mo Kaya na Dear Charo.
Nagpapasalamat si Juris na siya ang pinalad na kumanta ng theme song ng MMK para sa 28th anniversary nito. Hindi nga naman matatawaran ang nag-iisang Philippine drama anthology series ng ABS-CBN tuwing Sabado na hosted by Charo-Santos-Concio.
Proud si Juris sa pagkanta ng theme song ng MMK dahil feeling niya ay bahagi na rin siya sa mga tahanan tuwing Sabado ng gabi dahil ito ang paboritong palabas na nagsisilbing bonding ng pamilyang Pinoy.
Flavor of the month si Juris na maraming naka-miss sa kanyang boses, kaya naman aligaga rin sa mga kaganapan sa kanyang career ngayon si Juris.
Busy siya sa pag-promote ng kanyang album na Juris - Here’s in My Heart na same title rin ng single ay goosebumps pakinggan.
Bakit nga ba kakaiba ang pakiramdam kapag si Juris ang kumakanta na ang sarap pakinggan. Ngayon pa lang ay trending na ang single na Here’s in My Heart na gustong kantahin ngayon sa mga wedding event. Dahil sa nakakaiyak ang pagkaka-deliver ni Juris sa bawat lyrics, agad na tumatak ito sa viewers.
Samantala, excited na rin si Juris sa kanyang concert sa June 15, 2019 sa Newport Performing Arts Theater sa saliw ng The Metro Music Orchestra.
- Latest