Nabuwisit, Adam Levine nilayasan ang The Voice!
After 16 seasons ay nagpaalam na ang Maroon 5 frontman na si Adam Levine bilang coach sa The Voice.
Sa kanyang Instagram ay ginulat niya ang kanyang mga kasamahan sa The Voice dahil sa biglang pamamaalam niya.“I am truly honored to have been a part of something I’ll always cherish for the rest of my life. To all of the loyal voice fans, there’s literally no show without you guys. For me, it was time to move on. Your support has meant EVERYTHING,” post pa ni Levine.
Balitang si Gwen Stefani ang papalit sa kanyang puwesto para sa season 17 ng The Voice.
Ayon sa isang report, nagkaroon ng backstage drama sa The Voice noong nakaraang May 12. Ramdam daw ng production ang frustration ni Adam dahil nitong season 16, walang nakapasok sa team niya para lumaban sa finals. Naging problema na raw si Adam during the taping of the show na siyang hindi kinagusto ng executive ng NBC.
Ayon kay Paul Telegdy, co-chairman of entertainment of NBC, hindi niya nagustuhan ang naging attitude ni Adam at nahiya raw ito sa kanilang advertisers dahil ang mga ito ang nagbabayad ng salary niya sa show.
Sa report ng Page Six, na-upset daw si Adam sa pagbago ng rules sa The Voice na naging dahilan kung bakit nawala ang team niya sa labanan.
Dave Bornea, walang budget kaya ayaw mag-GF!
Marunong maghawak ng kanyang kinikita ang Kapuso hunk na si Dave Bornea. Mapapanood si Dave sa primetime teleserye na Sahaya at sa comedy anthology na Dear Uge.
Hindi raw magastos na tao si Dave dahil nagpapadala siya ng bahagi ng kanyang talent fee sa kanyang pamilya sa Cebu. Kaya hangga’t maaari ay tipid siya sa kanyang mga gastos dito sa Manila.
“Kapag dumating ang araw ng suweldo, iniisip ko muna yung mga babayaran ko. Tapos ‘yung ipapadala ko sa family ko. Huli na ‘yung para sa sarili ko,” sey ni Dave.
Hindi raw katulad ni Dave ang ibang kaedad niya na mahilig gumimik kapag may hawak na pera. Mas gusto niyang ipunin na lang daw ang pera niya kesa gastusin sa inuman.
Thankful lang si Dave na hindi siya nawawalan ng trabaho, mapa-TV man o sa mga mall shows.
Dahil naka-budget ang lahat para kay Dave, hindi raw puwede ang magkaroon ng girlfriend.
“Magastos po ang magkaroon ng girlfriend. Hindi kasama ang girlfriend sa budget ko! Kaya tiis-tiis na lang muna. Hanggang tingin na lang muna tayo sa mga girls,” pagtapos pa ni Dave Bornea.
- Latest