Aga at Charlene 18 years na!
Wow. Happy anniversary Aga Muhlach and Charlene Gonzales.
Eighteen years na pala ang kasal ng mag-asawa.
Nagbatian sila sa kani-kanilang social media accounts kahapon. “18 years ago today..
“The love of my life ♥ Thank you for the 18 years of love & happiness
I love you B.. Happy Anniversary ♥?@agamuhlach317 ♥” sabi ni Mrs. Muhlach.
Bati naman ng actor sa misis na dating beauty queen : “18 years today. happy anniversary my love! @itsmecharleneg went by so fast! Thank you for you! #yesmerongforever #parangkailanlang.”
Sure na merong forever sa dalawa na hindi talaga matagal ang naging relasyon noon bago nagpakasal sa Baguio.
Naalala kong kasabay ng kasal ang announcement nilang magkakaanak na sila.
Heart at Catriona parang kambal daw
Parang kambal daw sina Miss Universe Catriona Gray and Heart Evangelista. Ito ay nang i-post ni Heart ang photo niya na nanaginip daw siya ng pizza. “They say there’s always a story to every picture. This one’s just about me dreaming of pizza!,” caption ni Heart sa nasabing photo niya na parang kuha sa taping ng Starstruck hosted by Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado.
Naisyu noon na magiging hurado raw sa nasabing talent search ng GMA si Kris Aquino pero confirmed na hindi siya kasali sa mga hahatol sa mga susunod na pasisikatin ng GMA 7.
Bukod sa aso, love din ni Heart ang mag-alaga ng mga pusa. Pero pinaalalahanan si Heart na mas makamandag ang rabies ng pusa kesa sa aso. Nakita kasi siyang nagpapakain ng pusa sa kamay niya ng isang produktong pang-pusa. “As a lot of you know, I love cats. I love fostering and adopting them into my home. Here’s one of my sweet cats, Mina. She and I are bonding over her favorite treats, Temptations, before I leave for China. She’s crazy for them -- just when she hears the sound of the treats rattle in the bag, she comes running!”
- Latest