Atty. Joey Lina ayaw na sa pulitika

Atty. Joey Lina

Impressive undoubtedly ang credentials ni Atty. Joey Lina, who served bilang Governor ng Laguna, naging Senador ng Pilipinas at nangasiwa rin ng itinuturing na isang prestigious hotel sa Pilipinas, ang The Manila Hotel, bilang Presidente nito.

Now anchor siya of two radio shows on DZMM. Tuwing Sabado, 9:30 AM, magkasangga nilang tinatalakay ni May Valle-Ceniza ang mga isyung apektado ang bawat Pilipino, lalo’t ang mga ordinaryong mamamayan ng ating bansa, sa programang Magpayo Nga Kayo.

Sunday, 8:00 AM, solong hawak ni Atty. Joey ang mikropono, bilang host ng Sagot Ko ‘Yan, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tagapakinig ng DZMM Radyo Patrol 6:30 na makisali sa diskusyon, ala Barangay Hall style, para talakayin at himayin ang puwedeng ituring na isyu of the day.

Now in his mid-60s, waring hindi na priority para kay Atty. Lina na pasukin ang pulitika, para makapaglingkod sa kanyang mga fellow Pilipino. Sapat na sa kanya, na thru this program, Sagot Ko ‘Yan, ay posibleng magbuklod ang mga ordinaryong mamamayan at awtoridad para umunlad, ‘di lang ang mamamayan, kung hindi ang buong bayan.

Sagot Ko ‘Yan ay itinanghal recently bilang Best Radio Affairs program sa 8th Makatao Awards for Media Excellence.

Of May Valle-Ceniza, bukod sa pagiging co-anchor ni Atty. Lina ng program Na Magpayo na Kayo, she is also Special Event Manager ng Radyo DZMM.

Likewise, she is a Director, DZMM Teleradyo & Program and Production Service, ABS-CBN.

Smart and a good talker, naging tagahanga niya ang entertainment writers na present sa presscon for her and Atty. Lina.

Michael de Mesa tinutulungan na si Coco

Tulad ng kanyang ex-wife na si Gina Alajar, who is now one of the busiest house directors ng Kapuso, Michael de Mesa is a director na rin, co-director na siya sa top action series na FPJ’ Ang Probinsyano, tulad nina Coco Martin at Malou Sevilla.

Tulad ni Coco, regular member of the cast din si Michael.

In the case of Gina, obvious na more focused siya ngayon sa pagdidirek. She has been tapped to direct Primadonnas, which will star, among others, Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero at Benjie Paras.

Kadidirek lang ni Gina ng top series ng Kapuso, Onanay, which topbilled by Nora Aunor.

Legal na hiwalay sina Direk Gina at Michael since 2010.

While direk Gina has remained “blissfully single,” she said, Michael now has a new wife, the former Julie Reyes, a former professional dancer.

Direk Gina and Michael have three sons: Ryan, Geoff and AJ.

Only Ryan and Geoff have followed their parents’ footsteps. AJ works in Las Vegas, USA.

Raymond kelan lang na-realize na kamukha ni ex Pres. Manuel Quezon!

Until nang napanood na raw ni Raymond Bagatsing ang currently being talked about movie ng buhay ng the late President Manuel Quezon, Quezon’s Game, hindi raw niya akalaing may hawig siya sa dating Presidente.

Actually, ang foreigner-director daw ng Quezon’s Game, si Matthew Rosen ang unang nakapansin nito. On Tuesday, according to direk Rosen, Raymond auditioned for the role.

Ganunpaman, it took three months daw, kuwento ni Raymond, before he was advised by the producers ng Kinetic Producers, na siya na ang gaganap na President Quezon.

It was the same day rin, according to Rachel Alejandro, that she was advised to play the role of President Quezon’s wife, Doña Aurora.

Quezon’s Game, which is about President Quezon’s efforts to save Jewish refugees mula sa Austria at Germany noong 1938 has, so far, won 22 awards in international Filmfest. Kasama na ang pagkapanalo ni Raymond bilang best actor sa Cinema World Fest Award na ginanap sa Ottawa, Canada.

May awards din na natanggap ang ilang staff ng production, kasama of course, ang director na si Rosen.

Premiere tonight at the Dolphy Theatre in ABS-CBN ng Que­zon’s Game. Ire-release ng Star Cinema, mapapanood simula May 29 ang pelikula in theaters nationwide.

Raymond doesn’t deny he was once married to entertainment writer, Cora Pastrana, who was much older. Pero marriage of convenience ang naganap, as he wanted to stay in the U.S.

Cora was an American citizen.

He reportedly also married Lara Fabregas, na dating nag-aartista rin and related to showbiz icon, Jaime Fabregas.

In a recent interview with Boy Abunda, in the latter’s TV talk show, Tonight with Boy Abunda, Raymond revealed may girlfriend siya.

He didn’t elaborate, though.

Show comments