^

Pang Movies

ABS-CBN may natitira mga kakampi sa senado

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi na sinagot ni Angel Locsin ang isang netizen na nagtanong sa kanya sa sinasabing “hindi pagbabayad” ng ABS-CBN ng kaukulang taxes. Sinabi na lang ni Angel na hindi niya alam iyon kaya wala siyang masasabi, at iyon ay isang usapin ng ABS-CBN at ng gobyerno na wala siyang pakialam. Pero idinugtong niya na dapat naman daw lahat ay magbayad ng taxes.

Sa natatandaan naman namin, naayos na ng ABS-CBN ang kanilang problema sa taxes. Kung ilang milyon din iyong sinasabing taxes na hindi nila nabayaran, pero in the end, pumayag naman ang BIR at pinagtibay naman iyon ng Court of Tax Appeals na ang pinabayaran na lamang sa ABS-CBN ay 152.44 million pesos, na humigit kumulang 40% lamang ng kanilang tax liability.

Ang isa pang mabigat na issue na sinasabi ng mga kalaban ng network ay iyong loan ng mga Lopez sa DBP. Sinasabi nila, mahigit na 1.6 billion ang pagkakautang na hindi nabayaran ng ABS-CBN sa bangkong pag-aari ng gobyerno, at iyon ay kinalimutan na lamang. Ang utangan ay naganap noon pang panahon ng mga Aquino. Noon din nangyari iyong patawaran.

Pero nang tinitingnan namin ang records, lumalabas na ang may utang ay mga ibang kumpanyang pag-aari ng pamilya Lopez, at hindi naman kasama roon ang ABS-CBN. Kaya siguro iyong mga miyembro ng pamilya maaari nilang pagbintangan, pero ang ABS-CBN mismo, hindi naman.

May comment naman si Gary Valenciano, siguro raw may pangyayari o mga bagay na nagtulak kay Jimmy Bondoc na maglabas ng ganoong statement tungkol sa ABS-CBN. Alangan nga namang basta na lang bumunghalit nang ganoon si Jimmy Bondoc nang walang dahilan. Siguro nga iyan ay dapat malaman din naman natin.

Pero iyang controversy na iyan, far from over iyan eh. Kasi magbubukas pa lang ang susunod na kongreso kung saan pag-uusapan kung bibigyan nga ng panibagong franchise iyang ABS-CBN o hindi na. Nakabinbin pa rin sa kongreso ang House Bill 4349, na naglalayong pahabain pa ng 25 years ang franchise ng ABS-CBN. Hindi naman siguro dahil galit sa kanila si Presidente Rodrigo Duterte ay lost case na sila. May panahon ngang nag-alok silang ibabalik na lang ang perang naibayad ni Presidente Digong sa kanyang mga political ads na hindi inilabas ng ABS-CBN, pero hindi naman iyon tinanggap ng presidente.

Sa konstitusyon o pagkakabuo ngayon ng kamara at senado, kung talagang pupuwersahin ng presidente, malabo na nga ang ABS-CBN. Pero may natitira pa naman silang mga kakampi roon. May nangangako rin daw na makikiusap sa presidente na patawarin na sila at huwag harangin ang kanilang franchise, hindi lang natin alam kung ano nga ba ang kalalabasan

.Ganoon pa man, mukhang handa naman ang ABS-CBN hindi man sila mabigyan ng franchise, dahil mayroon na silang IWant, may cable channels na mapapanood sa kanilang TV box, at may mga video streaming sila sa internet, at hindi na kailangan ng franchise ang lahat ng iyan. Ibig sabihin mawawala lang ang on the air broadcast, pero maaari naman silang magtuloy sa ibang medium.

Kung mawala ang franchise nila, tiyak may sasalong iba, kaya hindi rin mababawasan ang mga istasyong mapapanood natin sa TV. Maaaring mawala nga lang ang FPJ’s Ang Pro­binsyano, pero maaaring magkaroon naman ng Pulis Lalawigan. Hindi mo masabi talaga ang takbo ng panahon eh. Kung sabihin nga nila, “talagang weather-weather lang iyan”.

Ano man ang sabihin nila, ano man ang bintang ng mga tao, iyang ABS-CBN naman ay nakilala na nang husto sa kanyang panahon. Siguro kung mawala man sila ngayon, baka makabalik pa rin. Nangyari na iyan sa kanila noon, baka naman makaulit pa sila.

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with