^

Pang Movies

ABS-CBN, pinarangalan ng Lifetime Achievement Award

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinarangalan ang ABS-CBN ng Tanglaw Broadcast Media Lifetime Achievement Award sa ika-17 na Gawad Tanglaw Awards na iginagawad ng mga kritiko ng pelikula, historian, at propesor ng humanidades kamakailan lang.

Umani ang Kapamilya network ng 31 na parangal para sa tatlo nitong channel na ABS-CBN channel 2, ANC, the ABS-CBN News Channel, Metro Channel, at ang DZMM Radyo Patrol 630.

Itinanghal ang ASAP Natin ‘To bilang Best Variety Show habang ang Ipaglaban Mo ang nanalo ng Jury Award for Television Crime Anthology.

Nanalo naman ang Pareng Partners bilang Best Communication Program Development habang ang My Puhunan ang ginawaran ng Jury Award for Sustainable Development in Entrepreneurship.

Nagwagi ang Ngayon at Kailanman star na si Iza Calzado bilang Best Actress (Drama Series), habang ang Halik stars naman na sina Jericho Rosales at Daisy Cariño ang napiling Best Actor (Drama Series) at Best Supporting Actress (TV Series).

Nanalo naman si Edu Manzano bilang Best Supporting Actor (TV Series) para sa FPJ’s Ang Probinsyano habang ang Kapamilya hunk na si Tony Labrusca ang tumanggap ng Gawad Elenita Navor-Hermoso para sa Natatanging Artista ng Bagong Henerasyon.

Umani rin ng parangal ang mga bida ng Maalaala Mo Kaya episode na Duyan na sina Allen Dizon at Meryll Soriano bilang Best Performance by an Actor at Actress (Single Performance).

Hindi rin nagpahuli ang lifestyle cable channel na Metro, na umani ng mga tropeo para sa mga programa nitong ipinagdiriwang ang ganda at galing ng kulturang Pilipino.

Nanalo ang mga local travel-cuisine show na Show Me The Market, Chasing Flavors, at Food Prints ng tag-iisang Jury Award for Cultural Development and Sustainability. Ang Women of Style naman, na tampok ang galing ng mga babaeng Pilipino, ang nakatanggap ng Jury Award for Gender and Deve-lopment, habang ang home interiors program na Metro Home ang tumanggap ng Jury Award for Sustainable Design and Innovation.

Pinarangalan din ang ANC, the ABS-CBN News Channel bilang Best TV Station at tumanggap pa ng 12 tropeo kabilang ang Best Business Program para sa The Boss at On the Money. Itinuring na Best Public Affairs Program ang Beyond Politics at hinirang na Best TV Female Anchor ang Headstart anchor na si Karen Davila.

Samantala, nagwagi rin ang programang Usapang de Campanilla ng DZMM Radyo Patrol 630 ng Best Public Service Program.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with