Ang laki nang iginanda ni Maris Racal, former housemate din ni Kuya sa isang episode din ng PBB.
Well, featured si Maris sa episode ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK), na mapapanood ngayon at hosted by Charo Santos-Concio.
Sa naturang episode ay makakasama niya si McCoy de Leon.
Nali-link si Maris sa anak ni Piolo Pascual na si Inigo, na isang singer-composer gaya rin ni Maris.
In McCoy’s case, nabanggit minsan ng dating ka-love team niyang si Elisse Joson, also a former PBB housemate, na ‘pahinga’ muna sila bilang love team.
Why? Both are quiet and would rather not further explain the issue.
Edgar Mortiz aarte na rin sa dinidirek na sitcom
Wow naman para sa former actor-turned-TV director cum producer na si Edgar Mortiz. Hindi lamang siya nananatiling director ng tinaguriang ‘new beginning’ ng sitcom na Home Sweetie Home, now titled Home Sweetie Home: Extra Sweet, isa na rin siya sa cast nito.
At may leading lady pa siya na walang iba kung hindi ang aktres na si Rio Locsin.
To add more, kumbaga, to direk Edgar’s streak of luck, the reformatted show registered a good showing sa first airing nito. It registered a 27.3% rating compared sa kasabayang sitcom, Pepito Manaloto, na ang rating na na-earn was 18.7.
Nananatili namang si Toni Gonzaga, of course, ang top star ng Home Extra Sweet Home. She supposedly transferred sa ibang community when the house she used to occupy with siblings Clarence Delgado at Miles Ocampo and her daughter (with John Lloyd Cruz), plus her Mom, played by Sandy Andolong ay nasunog.
Except for Sandy, kasama pa rin sa cast sina Miles at Clarence, pati ang batang supposedly anak ni Toni, and Jordan Lim, na iniwanan sa kanya ng supposedly probable suitor niya, ginampanan ni Piolo Pascual.
May mga bagong addition din sa cast, sina Vhong Navarro, Bayani Agbayani, Luis Manzano at Alex Gonzaga. Featured ang bagong comedy tandem sina Yamyam at Fumiya, na dating housemates ni Kuya sa episode ng still ongoing na Pinoy Big Brother (PBB) Otso.
Napapanood tuwing Sabado sa ABS-CBN ang Home Sweetie Home: Extra Sweet.
Sharon ibubunyag ang mga lihim sa libro
Isa sa mga nasa bucket list ngayong taon ni Sharon Cuneta ay ang makapagsulat ng sarili niyang libro tungkol sa kanyang naging journey sa life.
It’s an interesting journey, Sharon admits. “And I guess, maraming kasagutang makukuha ng readers about mga question, na hanggang ngayon gusto nilang malaman about me.”
May nakausap na rin siyang major bookstore owner tungkol dito at ganun din ang ABS CBN’s Publishing big boss, Ernie Lopez.
Fourteen years lang si Sharon nang maging singer and later a Megastar.
Una siyang ikinasal kay Gabby Concepcion at nagkaroon sila ng isang anak, si KC Concepcion.
With current husband na si Senator Kiko Pangilinan, mayroon siyang three kids, dalawang babae at isang lalaki.
Kasalukuyang busy si Sharon sa promo ng kanyang currently showing film Kuwaresma, directed by Erik Matti and produced by Reality Entertainment and Globe Studios.
Kuwaresma is her first horror film. Masaya siya na tinatangkilik ito ng manonood.
Wala sa kanyang bucket list ang maging isang pulitiko like Senator Kiko, and her late dad, Pablo Cuneta, who was Mayor of Pasay City for a number of years.