Vilma hindi apektado sa kung sino ang mananalo at matatalo sa botohan

Vilma Santos

Ikinuwento ni Vilma Santos na pagkatapos niyang bumoto noong election day na kasama ang kanyang buong pamilya, umuwi daw sila sa bahay, nagkaroon ng isang tahimik na lunch at nagpahinga na muna. Aminado naman siyang hindi rin biro ang inabot niyang pagod dahil sa pagkakampanya, hindi na para sa sarili kung di para sa mga kasamahan niya.

“Hindi naman naging problem area ang Batangas ever since. Hindi naman magulo ang elections dito. Minsan nagkakaroon ng kaunting problema pero hindi naman malaki. At saka ngayon na-realize ko ang kaibahan noong governor pa ako, talagang iyong aksiyon nasa opisina mo. Ngayon medyo relaxed na ako kasi hindi naman ako ang dapat kumilos.

Mamayang gabi, sigurado iyan medyo busy ka rin dahil magtatawagan sila ng results ng botohan. Kailangan din naman akong maging aware kung sinu-sino ang nanalo sa aming team,” pagkukuwento ni Congresswoman Vi.

Inamin niya kahit na kailan hindi naman siya affected, “basta alam mo you did your best, bahala na ang Diyos kung ano ang kasunod.”

Matatawa ka na lang dahil napapanood naman natin sa TV kung gaano ka-tensiyonado ang ibang mga kandidato.

By the way, naka-monitor kami sa lahat halos ng TV channels. Napansin lang namin, mas maganda ang coverage noong DZBB na nasa GMA News TV kesa sa GMA-7 mismo. Mas comprehensive iyong coverage ng DZMM na nasa Tele-Radyo kaysa sa ABS-CBN.

Napansin namin, parang mas maganda ang reports ng mga radio reporters na napapanood na ngayon sa TV kaysa doon sa mga taga-TV mismo.

Angel hindi nakapagpigil, pumatol na rin sa basher!

Hindi na dapat pinatulan ni Angel Locsin ang isang basher na pumuna sa ineendorso niyang tiyuhin na kandidato. Wala kang panalo sa bashers, lalo na kung sa pulitika. Naiintindihan namin si Angel dahil ang ikinakampanya naman niya ay hindi isang kliyenteng nagbabayad kung ‘di tiyuhin nga niya mismo, pero lumala pa tuloy ang usapan.

Minsan iyan ang problema lalo na kung ang isang artista ay mapagpatol lalo na sa social media. Nauuwi lang sa bastusan and in the end, sila ang talo.

Huwag nang papatol basta ganyan.

Female star naghihintay ng himala sa kandidatong sinusuportahan

Hindi na umaasa ang isang female star na mananalo ang kanyang ikinampanyang kandidato, pero aminado siya “secretly hoping” pa rin siyang may mangyaring milagro. Hindi lang namin alam kung ang milagrong ipinagdadasal niya ay mula sa Diyos o mula sa vote counting machine.

Bumagsak na kasi ang halos lahat ng pag-asa nila nang layasan sila maging ng mga kakampi nila sa pulitika matapos na lumabas sa lahat halos ng mga survey na nagsasabi ngang walang pag-asa ang kandidato ng female star. Kakatuwang hindi sila inendorso ng ipinagmamalaki niyang kaibigan nilang mga lider ng Iglesia ni Cristo.

Masakit talaga ang ganyan, dahil para na ring ipinamumukha sa iyo na laos ka na.

Show comments