Kahit na naka-base sa Albaquerque, New Mexico ang ‘80s singer na si Jam Morales for over 30 years, hindi pa rin siya tumitigil sa kanyang pagkanta dahil parati raw siyang may show na ginagawa sa US at sa ibang bansa.
“I have an agent there and kapag may free schedule ako, I always say yes to performing kasi nami-miss ko ang kumanta, eh. I love singing at sa New Mexico, I put up my own voice school and I teach singing. Karamihan ng mga naging students ko, sumasali sila sa mga singing contest on TV like American Idol and The Voice. I just love sharing what I know about singing and everyone knows that music is a huge part of my life,” kuwento ni Jam sa media conference ng May 18 show nito na Into The ‘80s sa Theater @ Solaire.
Sumikat si Jam noong 1984 dahil sa song na A Smile In Your Heart na nanalo sa Metro Pop Music Festival noong 1984. Nasundan pa ito ng isa pang hit single na Even If. Naging isa sa co-host pa si Jam ng GMA Supershow.
Natutuwa si Jam dahil maraming singers ang nag-revive ng kanyang mga songs.
“I am proud of the OPM songs na ni-record ko and they’ve been revived by Ariel Rivera, Lea Salonga and other singers. It only means na buhay pa talaga ang OPM at ang mga ‘80s songs ay magaganda. Sabi nga nila timeless,” ngiti pa niya.
Tatlo ang naging anak ni Jam sa naging husband niyang si Charles Harner na member ng duo na Harner Brothers noong ‘80s. Pero matagal na raw silang hiwalay pero good friends naman daw sila.
Kahit na may iniindang karamdaman, laging pinagdarasal ni Jam na mabigyan siya ng lakas ng katawan para ipagpatuloy niya ang kanyang pag-perform. “I was diagnosed with lupus last year. I almost died. But I am so thankful to God that He has given strength and the will to live. I won’t let this disease stop me from doing what I love. I still have my children, my friends and family to live for,” pagtapos ni Jam Morales na makakasama sina Jett Pangan, Raymond Launchengco, Gino Padilla at Lou Bonnevie sa Into The ‘80s show.
Binondo Musical maraming naka-relate
Sa muling pag-restage ng musical na Binondo: A Tsinoy Musical, natuwa ang director nitong si Joel Lamangan dahil muli nilang maipapakita ang magandang kuwento ng pag-ibig sa pagitan ng Pinoy at Chinese.
Ang producer ng re-run ng Binondo ay ang Maritess Alava-Yong Foundation. Ang beneficiary nito ay ang “cancer support and research charity for people living with cancer and potential prevention.”
Natawa na lang si Direk Joel na kinonek ang muling pagbalik ng musical na Binondo sa nangyayaring kontrobersyal na Filipino-Chinese relationship sa bansa.
“Wala pong gano’n. May nagkagusto lang sa musical namin at nagdesisyon silang ipalabas ito ulit.
“Nagustuhan ito nila Mother Lily (Monteverde), pati na si Jose Mari Chan. Mga authentic na Chinese ang mga ‘yan.
“Bumabalik-balik po sila. Ibig sabihin, nakakapag-communicate iyong play sa kahit totoong Chinese, sa hindi masyadong totoong Chinese, nagcha-Chinese-Chinese-an.”
Muling itatanghal ang Binondo: A Tsinoy Musical sa The Theater at Solaire on July 12 to 14.
Citizen Jake matumal ang nominasyon sa URIAN
Kapwa nakadalawang nominations sina Anne Curtis, Eddie Garcia at Victor Neri sa 2019 Gawad Urian.
Nominated si Anne for best actress sa action-drama-thriller na BuyBust at sa romantic drama na Sid & Aya: Not A Love Story.
Si Eddie naman ay nominated for best actor para sa thriller na ML at sa drama na Hintayan sa Langit.
Nasa dalawang categories naman si Victor, best actor for A Short History of a Few Bad Things at best supporting actor for BuyBust.
Pinakamaraming nakuhang nomination ay ang BuyBust with a total of 10 nominations. Sunod ang ang pelikulang Signal Rock ni Chito Roño with 9 nominations at 8 nominations naman ang nakuha ng ML.
Marami ang nagulat na acting nomination lang for Cherie Gil, Teroy Guzman at Lou Veloso ang nakuha ng controversial film na Citizen Jake na dinirek ng nag-comeback na si Mike de Leon. Hindi ito nakakuha ng nomination sa best picture, best director at anumang technical categories.
Heto ang ilan sa nilabas na official list of nominations ng 2019 Gawad Urian:
Best Picture: A Short History of a Few Bad Things, Ang Panahon ng Halimaw, Bianca Balbuena, BuyBust, ML, Signal Rock
Best Director: Whammy Alcazaren (Never Tear Us Apart); Keith Deligero (A Short History of a Few Bad Things); Lav Diaz (Ang Panahon ng Halimaw); Alec Figuracion (The Eternity Between Seconds); Denise O’Hara (Mamang); Carl Joseph Papa (Paglisan); Chito S. Roño (Signal Rock); Erik Matti (BuyBust); Benedict Mique, Jr. (ML); Irene Emma Villamor (Meet Me in St. Gallen)
Best Actress: AiAi delas Alas (School Ser-vice); Perla Bautista (Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon); Anne Curtis (BuyBust); Anne Curtis (Sid and Aya); Glaiza de Castro (Liway); Maribeth Fanglayan (Tanabata’s Wife); Celeste Legaspi (Mamang); Nadine Lustre (Never Not Love You); Iyah Mina (Mamu: And a Mother Too); Bela Padilla (Meet Me in St. Gallen); Pokwang (Oda sa Wala)
Best Actor: Carlo Aquino (Meet Me in St. Gallen); Christian Bables (Signal Rock); Dingdong Dantes (Sid and Aya); Ketchup Eusebio (Mamang); Eddie Garcia (Hintayan ng Langit); Eddie Garcia (ML); Miyuki Kamimura (Tanabata’s Wife); Tony Labrusca (ML); Victor Neri (A Short History of a Few Bad Things); Dante Rivero (Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon).