Xian game na game sa offer ng American actor-producer na si Bill Duke!

Sa palitan ng tweets ng American actor/director/producer/writer na si Bill Duke at Xian Lim, hindi lang payag makipagkita si Xian kay Bill Duke, mukhang game rin siyang gawin ang project na ini-offer nito sa kanila nina Enrique Gil at Richard Yap.
Nagsimula ang convo nina Bill Duke at Xian nang mag-tweet ang American producer ng generic tweet kina Xian, Enrique at Richard ng “when you come to #Los Angeles stop by #DTLA for lunch to discuss & explore international spy movie.”
Sumagot si Xian ng “Looking forward to the project bigtime. Direct messaged you also! Thank you again.”
Nag-tweet naman si Bill Duke ng “@XianLim Thank you for prompt response... My team & I will keep you updated... conceptualization is a process. .. As you well know!!!”
Siguradong papayagan ng Viva Films si Xian sakaling matuloy ang international movie na ini-offer ni Bill Duke dahil offer na ang dumating, hindi na kailangan pang hanapin.
Nadine napasigaw ng Darna!
Napanood namin sa YouTube channel ni Donnalyn Bartolome ang pagsigaw ni Nadine Lustre ng “Darna” at bagay naman sa kanya. Kapag nasanay nang sumigaw ng “Darna” ang GF ni James Reid, mas magkakaroon pa ng puwersa ang kanyang pagsigaw.
Pinilit lang ni Donnalyn si Nadine na isigaw ang “Darna” na ayaw sana dahil kinakabahan at nate-tense raw siya. Pero sabi ni Donnalyn, katuwaan lang naman at gusto lang niyang marinig na sumigaw ng “Darna” ang kaibigan.
Si Nadine rin ang choice ni director Erik Matti na pumalit sana kay Liza Soberano sa Darna at marami ang nag-wish na sa aktres nga ibigay ang project lalo na nang pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN. Kaso, nagpa-audition ang Kapamilya Network at hanggang ngayon, wala pang nilalabas kung may napili na sila.
Harlene, Herbert at Hero tututok na sa pagpo-produce ng pelikula
Tuluy-tuloy ang pagpoprodyus ng pelikula ng Heaven’s Best Entertainment at nabanggit ni Harlene Bautista na ‘pag nagtapos na ang termino ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, tutulong na si Mayor Bistek sa pagpapalakad sa film outfit.
Posible raw na magsama-sama sila nina Q.C. councilor Hero Bautista sa pelikula, pero hindi pa nila napag-uusapan. Focus muna sina Harlene at Mayor Herbert sa pagtulong kay Hero na muling mahalal na konsehal sa 4th district ng Quezon City.
May usapan din ang magkakapatid to put up another film festival para lalong makatulong sa local movie industry.
Tinatapos ng Heaven’s Best Entertainment ang pelikulang In The Name of thy Mother na bida si Snooky Serna at isasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines.
- Latest