Hindi lang nagsasabi, Vilma halatang nami-miss na ang showbiz

Vilma Santos

Nakakatuwa ang pinagkukuwentuhan namin noong isang gabi. Si Vilma Santos daw ay mukhang nami-miss na ang kanyang dating ginagawa bilang isang TV star. Doon kasi sa isang gathering, nagkaroon ng show para aliwin naman ang audience, noong dance number na, kinuha nila si Ate Vi at isinali.

Kung iisipin, hindi niya alam ang dance steps, dahil hindi naman siya nag-rehearse  kasama ang dancers na iyon. Pero siguro nga dahil sa kanyang experience sa telebisyon noong araw, mabilis niyang nasundan ang dance steps na akala mo pinag-aralan niya talaga.

Si Ate Vi naman, kahit na noong araw hindi mo talaga tatalunin sa pagsasayaw. Kaya nga iyong TV show niya talagang laging may bonggang ope­ning number at iyon ang inaabangan ng audience. Noong araw din, may usapan pa ang advertisers, ang laging request nila ay iyong kanilang commercial spots laging ilagay immediately pagkatapos ng opening number ni Ate Vi.

Alam ba ninyong may panahon na para makapagpasok ka ng commercial sa show ni Ate Vi, ang babayaran mo ay pitong spots. Isa lang doon ang papasok sa Vilma. Iyong anim ilalagay na sa ibang show ng network sa ibang oras. Kung dalawa spot mo, labing apat ang bibilhin mong commercial spots. Kaya nga iyong ibang shows nila nadadala kasi may mga commercial na maaaring ilagay dahil sa show ni Ate Vi. Kaya kung noon sinasabing niya ang highest paid TV star, tama lang naman iyon.

Tinalikurang lahat iyon ni Ate Vi, hindi dahil sa pelikula, kung di dahil gusto niyang magka-anak sila ni Senador Ralph Recto, at sinabi ng mga doctor niyang mahihirapan siyang magbuntis kung hindi siya magpapahinga. Ginawa niya iyon, kaya naman mayroon ngayong Ryan Christian.

Pero minsan nahahalata mo, nami-miss pa rin ni Ate Vi ang ginagawa niya dati.

Jo Berry itutuloy ang career

Openly, sinasabi ngayon ni Jo Berry na gusto na niyang pangatawanan ang pagiging isang artista. Pero ano nga ba ang maibibigay na project sa kanya pagkatapos ng Onanay? Naisasama naman siya sa ibang palabas pero hindi na siya ang bida kagaya noong nagsimula siya.

Special talent si Jo Berry. Hindi siya kagaya ng iba na madaling ihanap ng role. Alam naman natin ang kanyang sitwasyon.

Marami na ring nauna sa kanya, na sumikat din naman. Natatandaan pa siguro ninyo sina Weng Weng na naging bida rin naman sa maraming pelikula. Ganoon din naman si Noel Ungga Ayala na naging isang mahusay ding komedyante. Hanggang ngayon ay nariyan pa rin si Taciong Tangkad. Pero iyon nga, limitado ang roles na naibibigay sa kanila. Sana naman mailagay nila si Jo Berry sa mas maraming roles, after all maga­ling naman siya.

Aktor nanghihinayang, hindi makalantad sa kabadingan

Hindi naman siguro kasalanan ng male star na iyon kung iba nga ang kanyang gender preference. Hindi rin naman siguro kasalanan kung ayaw niyang aminin iyon sa ngayon dahil alam niyang oras na gawin niya iyon, the end na ng career niya. Kawawa naman ang bata dahil pinipilit nilang umamin ganoong mayroong mas matatagal nang artista na bading din naman na hindi nila napapaamin hanggang sa ngayon. Ano ang kaibahan ng baguhang male star na bading kaysa doon sa datihan nang bading?

Hindi ba’t mas mabuting hintayin na lang natin ang panahon na siya ang umamin tungkol doon kaysa sa inuurirat natin ang buhay niya? Ano ang malay ninyo, baka mapasama siya sa isang show kung saan niya aaminin iyon, o baka sumulat din siya ng isang libro.

Show comments