‘Once you start being selfish and jealous, masisira ka na’

Forgiveness doesn’t excuse their behavior, forgiveness prevents their behavior from destroying your heart.

Nanggaling ‘yan kay Bishop Soc Villegas na ipinadala ni Dolor Guevarra. Ang ganda ng message ‘di ba?

Patawarin mo sila pero hindi ang ginawang kasalanan, patawarin mo sila para huwag nila masira ang puso mo.

Totoo ‘yan, dapat kung anuman nagawa sa’yo na kasalanan, hindi dapat kalimutan pero hindi dapat hayaan ito na masira ang pananaw sa buhay.

Dapat matatag ang utak, puso at mas focus ang tingin para hindi ka mawala sa tinatahak sa buhay.

Sabi ko nga, kung hindi importante at hindi makakatulong sa’yo, dapat ang attitude mo KEBER.

Wala lang, dahil bakit mo bibigyan ng importansya ang hindi importante? Ang dami mong dapat harapin, bakit ka hihinto dahil lang gusto ng ibang tao na pigilan ka sa pag-unlad at pagtaas mo?

Whatever burden they want to put in your shoulder, huwag pansinin, tuloy -tuloy lang. Ang winner sa buhay, ‘yung maganda na magdala ng problema, ‘yung magaan ang tingin sa lahat, hindi selfish at possessive, ‘yung magaan na mag-share nang kahit ano ang meron siya.

Once you start being selfish and jealous, masisira ka na, mawawala na ang focus mo, hihinto na ang daloy ng suwerte sa’yo.

Maricel, Carmina at Janella bibida sa horror movie!

Kahapon pala ang story conference ng The Heiress, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na starring sina Maricel Soriano, Carmina Villarroel at Janella Salvador.

Horror movie ang The Heiress, hindi drama dahil ibang-iba ang kuwento nito sa Ikaw Pa Lang Ang Minahal, ang drama love story movie na pinagbidahan nina Maricel at Richard Gomez noong 1992.

Ang Ikaw Pa Lang Ang Minahal ang Tagalog adaptation ng 1949 Hollywood movie na The Heiress.

Hindi pa malinaw sa akin kung sino ang The Heiress sa horror movie nina Maricel, Carmina at Janella.

German Moreno Award, balanse

Sina Bianca Umali at Maymay Entrata ang pinarangalan ng special award na German Moreno Youth Achievement Award sa 67th FAMAS noong Linggo.

Balanseng-balanse ang pagkakapili sa winners dahil isang Kapuso at isang Kapamilya ang pinili ng mga hurado.

Si Federico Moreno ang nag-abot ng award kina Maymay at Bianca. Mula nang mamatay si Kuya Germs, si Federico na ang nagtuloy ng kanyang mga legacy tulad ng German Moreno Youth Achievemnt Award at ng Walk of Fame sa Eastwood Libis.

Show comments