Dingdong at Marian pahinga muna sa pag-aanak!
Nagkaroon ng live interview on the phone ang Sunday noontime show Sunday PinaSaya kahapon kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes mula sa bahay nila sa Makati City.
Sina AiAi delas Alas at Jose Manalo ang kausap ni Marian. Pero nakakatuwa na after bumati ni Marian sa studio audience at sa mga televiewers, bumati na rin si Dingdong Dantes and si Ate Zia (Letizia) na sabi ay kamukha raw niya ang Ninang AiAi niya.
May questions mula sa Facebook ng Sunday PinaSaya mula sa netizens na itinanong kay Marian. Isang tanong ay ngayong may baby girl at baby boy na sila, susundan ba raw nila agad ito?
“Hinga muna,” sagot ni Marian. “Ngayong may baby girl at baby boy na kami, saka na muna. Dalawa na ang aalagaan namin.
“Gusto ko pong samantalahin na pasalamatan ko muna kayong lahat sa inyong mga prayers sa akin nang magsisilang na ako. Dahil sa inyong mga dasal, nabawasan ang hours ng pagli-labor ko dahil normal delivery ako, at isa pang anghel ang dumating sa buhay namin ni Dong. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. Miss na miss ko na ang Sunday PinaSaya at babalik po ako agad, kapag puwede na. Sa ngayon nakatuon muna kami sa pag-aalaga ni Dong kina Ate Zia at kay Jose Sixto Gracia Dantes.”
Ilang araw pa, magsisimula na rin si Dingdong sa paghahanda ng bago niyang serye, ang Philippine adaptation ng Korean Drama na Descendants of the Sun, na ididirek Dominic Zapata.
Julie Anne ramdam ang emosyon sa bagong kanta
Regrets ang title ng latest single ni Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose. Ang mga nakarinig na ng song, naka-move on na ba ang singer-actress sa nangyari sa kanyang lovelife last year? Ramdam na ramdam daw kasi ang emosyon niya sa song na sumasalamin sa kanyang karanasan noong nakaraang taon.
“I approach my music the same way I approach my personal life. I give my best to the people I care about, the people I love,” sabi ni Julie Anne. “Ganoon din sa music. I like to challenge myself with different beats and different genres. If I fail, I try my very best to recover and move on to another chapter of my music and my personal life.”
Mukhang sa work ibinaling ni Julie Anne ang nangyari sa love life niya. Sunud-sunod ang kanyang shows at tuluy-tuloy din ang taping nila ng Studio 7 na live ang show nila sa mga lugar na pinupuntahan niya saka naman ipalalabas every Sunday evening after ng Daig Kayo Ng Lola Ko. Live naman every Sunday ang noontime variety show nila sa GMA ng Sunday PinaSaya.
Sa May 6 naman ay papuntang Chicago, Illinois si Julie Anne dahil may show sila roon ni Christian Bautista, saka sila tutuloy sa Brooklyn, New York para sa Musikalye Sa Brooklyn ng Kapuso Pinoy Studio 7 sa May 11. Kasama nila ni Christian sina Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Golden Cañedo, Betong Sumaya at very special guest nila si Pambansang Bae Alden Richards.
- Latest