No kidding Salve A., but Atasha Muhlach is interested to play the role of Darna.
Sinabi raw niya ito sa kanyang magulang na sina Charlene Gonzales and Aga Muhlach at Lola na si Elvie Gonzales.
Willing daw siya na mag-audition. Somehow daw she has an idea kung ano ang expected sa aktres who’ll play Darna.
A champion athlete in the International school na kanyang pinapasukan, she excels in rugby.
Atasha and her twin brother, Andres, are turning 18 ngayong November.
Of Andres, who stands 6’1, his dream naman is to become a top basketball player. But first, as suggested by Aga, he hopes to finish college muna. He and Atasha are to graduate in high school this year from their respective international school na kanilang pinapasukan. Yes, he and Atasha are not schoolmates, pero they plan to take a Business Management course.
Of the Muhlach couple they are set to leave anytime soon for London dahil kasali si Charlene sa isang Marathon competition.
Baka sa London na rin daw mag-celebrate ng kanyang birthday si Charlene on May 1.
Aga said, they will be back before the May 13 elections.
Luis, 38 na
Speaking of birthdays, exactly 38 years old today si Luis Manzano, who was born April 21, 1981.
Luis will be kept busy as election time approaches. Both his Mom and Dad are running for Representatives, Vilma Santos-Recto is a re-electionist sa Lipa City.
His Dad, Edu Manzano naman, is eyeing the seat bilang Congressman ng lone district ng San Juan City.
Well, good luck to both Ate Vi and Edu.
Sunshine, Kapamilya na ulit
Kahit confirmed nang annulled na ang kanyang kasal sa dating asawang si Cesar Montano, hindi priority para kay Sunshine Cruz ang mag-asawang muli. Kahit pa go-signal na lang niya ang hinihintay ng kanyang boyfriend na si Macky Mathay, half-brother ng kanyang actress-friend na si Ara Mina, para magpakasal na sila.
Right now, she is preparing for a new soap for ABS-CBN. Yes, after gumawa siya ng project sa GMA-7.
As a mother, most proud si Sunshine that all her three daughters are doing well in school. Nakabuti raw talaga na, despite her busy schedule, tinapos niya ang kanyang pag-aaral sa Arellano University where she finished a course in Psychology.
Bong at Lani balik na sa pangangampanya
Back na from their Holy Week vacation from Boracay ang pamilya nina former Senator Bong Revilla and his wife, Lani Mercado.
Parehong re-electionist in this May 13 elections sina Bong and Mayor Lani.
Bong for Senator anew and Mayor Lani, for her second term as Bacoor City Mayor.
Now that they are back in town, kumbaga, balik muli sila sa kanilang pangangampanya.
Well, so far, happy sila sa favorable reaction na kanilang natatanggap, from among the populace na kanilang nakasalamuha. Obvious na nakita at nadarama ng mga tao ang hangarin, lalo na ni Bong, na muling makapaglingkod sa bayan at mamamayan.
Hangarin din ni Bong ang makatulong sa maraming nagsasabing nasa crisis ang pelikulang Pilipino. Marami nga kasi ang umaasa sa industriyang ito. Hindi nga lang ang mga artista, kung hindi ang mga manggagawang involved sa industriya.
“Manalangin tayo,” ito ang mungkahi ni Bong. “Sabi nga, kahit kailan, ‘di niya tayo pababayaan.”