^

Pang Movies

Anak ni Pacman, susubukang sundan ang ama

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Anak ni Pacman, susubukang sundan ang ama

Sa naging tagumpay ni Jimuel Pacquiao sa kanyang unang semi-amateur boxing competition, malamang ipagpapatuloy na nito ang sport na kinahihiligan at kung saan ay kinilala ang kanyang amang si Sen. Manny Pacquiao sa buong mundo. Mabilis lamang napatumba ng batang Pacquiao ang kanyang kalaban na ipinagbunyi ng maraming kaeskwela niya na nanood ng laban. Sinaksihan din ang laban ng maraming tauhan ng Pambansang Kamao.

Maging si Sen. Manny ay tinutukan ang training ng kanyang anak. I’m sure kung ang mga magulang niya ang masusunod ay hindi nila gugustuhin na maging boksingero si Jimuel pero, dugo ng isang kampyong boksingero ang tumatakbo sa ugat nito, yun ang mahirap nilang pigilan.

Claudine matagal naburo

Si Claudine Barretto ang tampok na artista sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado de Gloria. Maganda ang desisyon niya na sa MMK muling balikan ang kanyang pag-aartista, marami ang nanonood ng pangunahing drama anthology ng bansa at siguradong maganda ang magiging role niya. Dasal din ng fans niya na magtuluy-tuloy na ang kanyang comeback.

Sayang ang kanyang talento na binuburo lamang niya at hindi pinagkakakitaan.

Sa mga trailer ng MMK bakas pa rin ang kanyang kagalingan sa pag-arte.

Sam at Yam guilty sa adultery

Ang daming nagbunyi nang madeklarang guilty ng korte sina Ace (Sam Milby) at Jade (Yam Concepcion) sa salang adultery sa seryeng Halik na hanggang sa huling dalawang linggo ng pagpapalabas nito ay ayaw hiwalayan ng manonood.

Obvious lang na marami tayong biktima ng ganitong krimen sa ating lipunan at ang hatol sa dalawang nagkasala ay nagsisilbing vindication sa maraming ginang na biktima ng pangangaliwa ng kanilang mga asawa and vice versa. Siguradong marami pang kaganapan ang mangyayari sa serye

Echo maswerte rin sa anak

Hindi lamang sa kanyang karera maswerte si Jericho Rosales, maswerte rin siya sa asawa niyang si Kim Jones. Close ito sa ina ng anak niyang si Kai Palomares at lalo na sa anak na si Santino Rosales. Madalas nilang pasyalan ang mga ito.

Binata na ang anak ng aktor at estudyante sa kolehiyo sa La Salle. Katulad ni Echo mahilig din sa sport si Santino pero, kung si Echo ay sa surfboarding bihasa, football naman ang forte ng anak niya.

JIMUEL PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with