Jak at Barbie walang kasamang mga magulang sa bakasyon sa Japan

Kahapon umalis ang mag-sweethearts na sina Barbie Forteza at Jak Roberto pa-Osaka, Japan.
Hindi sumama ang parents ni Barbie nang umalis sila ng boyfriend kahapon ng 4:00AM.
Bale si Sanya Lopez na kapatid ni Jak ang kasama ng dalawa sa Osaka.
Tiwala ang parents ni Barbie kay Jak, kaya pinapayagan silang mag-out of the country nina Daddy Tony at Mommy Amy.
Kuwento ni Mommy Amy, “Bale ang calltime po ng taping ng Kara Mia noong Monday ay 2:00AM. Sobrang aga po kasi tinapos sila ng 10:00PM dahil 4:00AM nga kanina ang flight nila pa-Osaka
“Umuwi lang po ng bahay si Barbie para maligo at nasa airport na sila bago pa mag-1:00AM.
“Hindi na po kami sumama sa Osaka dahil sayang lang at sobrang magastos,” sabi pa ni Mommy Amy.
Bale sa Friday raw ang balik sa Pinas ni Barbie, Jak at Sanya.
“Nagtaka nga po ako kung bakit hindi sinagad ni Barbie hanggang Sunday ang Osaka nila. Sabi kasi niya, pag-uwi, magtutulog daw siya. Gusto raw niyang matulog ng mahaba, kaya sa bahay lang po kami ng Saturday and Sunday at hindi na kami mag-out of town,” pahayag ni Mommy Amy.
Pops ayaw pa ring maging regular sa TV
Si Pops Fernandez, sa bahay lang daw niya sa Taguig City magpapahinga ngayong Holy Week.
No out of town muna dahil, “aalis kasi ako pa-Portugal on April 22. Mabilis lang. One week lang.
“Sandali lang kami ng mga classmate ko. Bale yearly trip namin ‘to,” sabi ni Pops.
Inusisa ko nga pala si Pops kung madadalas na ba siyang mag-guest sa mga TV show dahil after ng It’s Showtime guesting niya for Vice Ganda’s birthday episode ay napanood naman siya sa ASAP Natin ‘To para sa birthday naman ni Regine Velasquez-Alcasid.
“No naman. Kapag mga ganoon lang, kasi birthday nga ni Vice, then birthday ni Regine,” sabi niya.
Pero this year, may US concert tour sila ng ex-husband na si Martin Nievera, kaya tiyak na matutuwa ang loyal fans nila!
Maymay napabilib si Raymond
Maraming nagsasabi na mas gusto nila na kikay ang dating ni Maymay Entrata.
Pero marami rin ang nagsasabi na ok na ok si Maymay na mala-fashion model.
Sa ibang mga pictorial nga ni Maymay, mala-super model ang dating niya at parang walang ka-effort-effort at bagay naman sa kanya.
Actually, noong nagkasama nga sila ni Raymond Gutierrez na nag-model para sa isang clothing apparel, napahanga niya ang twin-brother ni Richard Gutierrez
Eh, si Raymond ang nag-organize ng event na ‘yon at sinabi niya sa akin na sobrang galing rumampa ni Maymay, huh!
Knowing Raymond na may pagka-meticulous, for him to say that, Maymay really slayed the catwalk!
So kung very super model man ang dating ngayon ni Maymay, hayaan na siya dahil bongga naman talaga ang dating ng ka-love team ni Edward Barber, ‘noh?!
‘Yun na!
- Latest