Two years ago na raw ginawa ni Nar Cabico ang pelikulang Akin Ang Korona kung saan nanalo siyang best actor sa Sinag Maynila 2019.
Kuwento ng Kapuso singer-comedian ay pumanaw daw ang kanilang line producer dahil sa cancer kaya biglang wala na siyang nabalitaan tungkol sa pelikula.
“Matagal na nga yang movie na ‘yan and akala ko hindi na siya maipapalabas. Hanggang sa tinawagan ako for a press conference at nalaman ko na gagawin na siyang entry sa Sinag Maynila.”
Hindi rin daw ini-expect ni Nar na mananalo siya bilang best actor noong gabing iyon. “Nabasa ko kasi ang mga review ng movie and they were saying na I deserve to win an award. Kahit na doon sa venue ng awards night, people were rooting for me to win. Si Sylvia Sanchez nga, sinabi sa akin na mananalo ako,” kuwento pa ni Nar.
May dalawang pelikulang gagawin si Nar na parehong comedy para sa taong ito. May gagawin din siyang digital album for GMA Music at kasama siya sa bagong primetime teleserye na Love You Two.
Sa US ang punta ni Nar ngayong Holy Week para makasama niya ang kanyang mister at ang pamilya nito.
Nico biglang naging seryoso sa isyu ng gender equality
Nasanay na ang netizens at one million followers ni Nico Bolzico sa Instagram sa kanyang hilarious posts. Pero hindi raw nila ini-expect na puwede palang maging serious ang mister ni Solenn Heussaff lalo na pagdating sa kung paano dapat tratuhin ng mga lalaki ang babae, especially the wifezillas.
For gender equality ang gustong i-point out ni Nico sa pag-upload niya ng photo na nagtatalo sila ni Solenn dahil sa pagsuot nito ng panty ng asawa.
Natatawang paglilinaw ni Solenn sa media conference ng GMA primetime teleserye na Love You Two, may gusto lang daw i-point out ang kanyang mister at hindi nito sinusuot ang kanyang mga panty. “Nico is always like that. He’s such a funny guy but sometimes he really crosses the line. Pero for me, it’s cute kasi that’s him. Kaya ko nga siya pinakasalan because of his over-the-top personality,” tawa pa ni Solenn.
Anyway, ito ang post ni Nico sa IG:
“She wears my T-Shirts to bed, she wears my jacket when she is cold and she even wears my boxers sometimes ... Buuutt I wear her panties one time, and suddenly I have ‘overstep’ my boundaries! The lesson here is that ‘whatever is theirs is theirs, and whatever is ours is also theirs!’ This might sound like a cliché, but it should be like that.
“Everything we have and everything we do should be theirs and for them, why? There are many reasons; from a nature point of view, our ladies are the ones that carry our babies for 9 months and give birth; us men we can barely carry the groceries bags, and we need to make many trips, also, I don’t think we would be strong enough to give birth!
“Disclaimer 1: I dont wear @solenn panties, it was just to make a point. Disclaimer 2: @solenn is NOT pregnant. #bulliedhusbandclub” bahagi ng caption ni Nico.
Desperate Housewives star na si Felicity Huffman, guilty sa salang pang-i-scam!
Nag-plead guilty ang Desperate Housewives star na si Felicity Huffman, kasama ang labing-tatlo pa, dahil sa participation nila sa largest college admissions scam uncovered in U.S. history.
Humarap sa federal prosecutors noong Monday ang aktres at inamin nito ang involvement niya sa scam na ito kung saan nagbabayad sila ng bribe to secure their children admission sa mga sikat at kilalang universities sa US tulad ng Yale, Georgetown and University of Southern California.
Umabot nga raw sa higit na $25 million ang binayad na bribes ng higit na 50 people sa college admission scam na ito. At ang naging bridge nila rito ay ang California college admissions consultant William “Rick” Singer, who has pleaded guilty to facilitating the cheating scam and bribing coaches to present the parents’ children as fake athletic recruits.
Inamin ni Huffman na nag-contribute ito ng higit na $15,000 sa fake foundation ni Singer in 2017 para ma-correct ang sagot ng anak nila ng actor na si William H. Macy sa SAT college entrance exam nito.
Tinanggap nga raw ng aktres ang plea bargaining agreement ng korte at handa siyang makulong para ipakita na pinagsisisihan niya ang kanyang ginawang pagkakamali sa society.
Wala namang balita kung nag-plead din ng guilty ang Fuller House actress na si Lori Loughlin dahil may balitang balak nilang ilaban ng kanyang mister na si Mossimo Giannulli ang kaso na ito sa korte.