Pagod at puyat, ganoon ang sinasabi ni Congresswoman Vilma Santos nang muli naming makaharap sa Loyola Memorial Chapels sa Sucat, kung saan nakahimlay ang mga labi ng kanyang inang si Milagros Tuazon Santos.
“May meeting ako ng mga barangay noong Sunday. Tapos Monday nga iyong nangyari kay Mama. Tuloy kami sa cremation noong gabi na. Tapos nag-ayos naman kami dito sa chapel, dahil sabi ko nga kailangan maaga pa maayos na lahat. Halos wala akong tulog, at maniniwala ka bang alas-siyete ng umaga na may dumating ng mga kaibigan para makiramay.
Pagkatapos noon nakapag-pahinga naman ako. Pagbalik ko rito ng tanghali ang dami na ring mga tao. Mga kasama namin sa Batangas. Iyong mga nasa Kapitolyo, iyong mga lider ng mga barangay. Ang dami eh. Hindi ba inabot naman ninyo lahat,” ang simula ng mahabang kuwento ni Ate Vi.
Pero inamin niyang hindi na masyadong mahirap dahil lahat ay naihanda na ng kanyang asawang si Senador Ralph Recto at ng kapatid niyang si Sonny.
“Tinapat na naman kami ng doctor. Sinabi na sa akin, 93 na si Mama, okay na rin namang magpahinga siya dahil mahihirapan lang eh. Sinabihan na kaming maghanda kami. Pero alam mo naman, sa akin may kaunti pang resistance eh, siyempre nanay mo ‘yun.
“Iyon pala hindi sinasabi sa akin, naghahanda na si Ralph at saka si Sonny. Ginawa na nila ang lahat ng arrangements, ipina-reserve na itong chapel. Nakipag-usap na sa lahat ng kailangan, kaya noong mamatay si Mama at nagtatanong ako kung papaano, at saka lang sinabi sa akin ni Sonny na wala nang problema dahil lahat naihanda na nila ni Ralph. Ganoon talaga ka-supportive ang asawa ko,” pagkukuwento pa ni Ate Vi.
Ang dalawa pang kapatid niyang nasa US, sina Tess at Winnie ay sabay na dumating noong Wednesday evening.
Ngayong Biyernes bale ang last day ng wake, magmimisa si Gaudencio Cardinal Rosales, dahil close din siya kay Mama noong siya pa ang Arsobispo ng Lipa. Tapos sa Sabado, dadalhin na ang mga labi ni Mama sa St. James The Great Parish sa Alabang, kung saan balak na rin nilang ilagak ang mga labi ni Papa Santos para magkasama na sila.
Mahahalay na video, hindi maitago!
Tama ang sinabi ni Polo Ravales. Oras na gumawa ka ng mahalay na video asahan mo na sooner or later kakalat iyan. Ginawa mo eh, sabihin mo mang private iyan, dahil artista ka at isang public figure, asahan mo na may magkaka-interest na ikalat iyan kahit na papaano.
Ang talagang tama nga naman, huwag kang gagawa ng kahalayan on line para hindi kumalat ang kahit na ano. Talagang nakakahiya, lalo na kung matanda ka na at saka ka pa masasabihang isa kang matandang bastos.
Foreign male model ng underwear na hindi bumebenta!
Hindi naman daw bumebenta ang isang brand ng underwear na ineendorso ng isang foreign male model, at iyon ang dahilan kung bakit papalitan na siya ng dalawang model, isang pure Pinoy at isang Fil-Am na pumayag na ring maging endorser nila. Pero ang natatandaan namin, iyang dalawang iyan ay nagmo-model din sa shows ng isa pang factory ng briefs. Papaano kaya iyon?
Kung sabagay, madali naman nilang sabihing natuklasan nilang mas maganda pala ang underwear na imino-model nila ngayon kesa sa ginagamit nila noong araw.