Nasa bucketlist ni Alden Richards ang makapagpatayo ng simbahan, hindi na namin siya natanong kung saan siya magpapatayo ng simbahan, pero sa tingin namin, tutuparin niya ito kahit matagalan. Kakailanganin niya ng malaking pera para matupad ang isa sa bucketlist niya.
Naalala tuloy namin ang pinag-uusapan ng fans ni Alden na dahil sobra siyang relihiyoso, baka raw magpari siya. Kaya tinanong namin si Alden kung may plano siyang magpari?
“Talaga, pinag-uusapan ‘yun, pero hindi naman tayo aabot sa ganun. Gusto ko lang makapagpatayo ng simbahan at ‘pag natupad ko ‘yun, sobrang saya ko,” sagot ni Alden.
Naalala rin namin ang tanong ni Cardinal Luis Antonio Tagle nang maimbitahan si Alden na mag-guest at mag-share ng kanyang buhay at pananampalataya sa 2nd Diocesan Lenten Recollection ma ginanap sa Diocese of Antipolo.
Sabi ni Cardinal Tagle kung naisip ba ni Alden na mag-pari? “Ang buhay ko po in-offer ko na sa Diyos, siya na po ang bahala kung saan niya ko gustong dalhin,” sagot ni Alden.
In fact, marami pa siyang gustong gawin at maraming roles ang gustong gampanan. Kabilang ang psychotic role, father role at maging Marvel Super Hero.
Speaking of Alden, hanggang July busy ang schedule niya sa rami ng trabaho. Isa rito ang gagawing movie sa Star Cinema with Kathryn Bernardo. Ang taping ng EB Lenten Special na sa GenSan ang taping mula April 3-5. May New York trip pa sila kasama ang ibang taga-Studio 7 sa May.
Gabbi ‘di mabanggit ang pangalan ni Ruru
Ang magdyowang sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia ang mga bida sa pelikulang LSS: Last Song Syndrome na isa sa entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino. Magkaiba ng network ang dalawa, kaya ang unang tanong sa kanila ay kung nagpaalam sila sa kani-kanyang network?
“Opo, nagpaalam ako at mahabang proseso ‘yun. In-approve naman ng GMA Artist Center, nag-meeting ang creative team ng movie at ang GMAAC,” sagot ni Gabbi.
Sabi ni Khalil, mas madali sa kanyang magpaalam at sinabi niyang gusto niyang gawin ang pelikula. Naaliw kami kay director Jade Castro dahil hindi niya alam na real couple sina Khalil at Gabbi at sa shooting na lang niya nalaman. Naging madali sa kanya to work with the two at tapusin ang movie na two days na lang yata bago matapos ang shooting.
Si Khalil ang unang umamin sa kanilang relasyon sa Tonight with Boy Abunda ni Boy Abunda, tumawag muna siya kay Gabbi kung puwede siyang umamin bago pa siya mag-guest dahil alam niyang tatanungin siya.
“Mas magaan na ang feeing nang umamin kami, mas totoo and we can finally go out na walang magtatanong kung bakit kami lumalabas na magkasama,” pahayag ni Gabbi.
Napansin lang namin na sa interview kina Gabbi at Khalil at mabanggit ang love team nina Gabbi at Ruru Madrid, hindi binanggit ni Gabbi ang pangalan ni Ruru. Wala naman siguro siyang galit sa former love team at nabanggit na rin naman nila na magkaibigan pa rin silang dalawa.
PPP kakaiba ang tema this year
In-announce ni Film Development Council of the Philippines chair Liza Diño-Seguerra na nalipat ang Pista ng Pelikulang Pilipino dahil sa halip na August, sa September na ito tatakbo. Mula September 13-19 na ang PPP, sa Sept. 12 ang Gala Night at noong March 28, in-announce na ang first three finalists. Sa Sept. 18, ang awards night and this year’s theme ng PPP ay “The Festival of Mindanao.”
Ito’y ang Cuddle Weather ni Rod Marmol na wala pang cast dahil pinag-aaralan pa ng mga artistang kanilang kinausap kung tatanggapin ang pelikulang maraming sexy scenes.
Ang LSS: Last Song Syndrome nina Khalil at Gabbi sa direction ni Jade Castro. Also starring are Tuesday Vargas, Elijah Canlas at ang members ng indie folk-pop band na Ben&Ben.
Ang The Panti Sisters ng The IdeaFirst Company Martin del Rosario to be directed by Perci Intalan at tampok sina Paolo Ballesteros, Christian Bables at. Maaalalang ang tatlo ang bida sa mga pelikulang Die Beautiful at Born Beautiful.
Ang five finished film na makakasama sa finalists ay i-a-announce sa June. May time pa ang film producers to submit their entries until May 31, 2019. Bibigyan ng P2M production and marketing grant ang finalists.