^

Pang Movies

Ion nagpaalam na sa pamilya ni Vice!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ion nagpaalam na sa pamilya ni Vice!
Ion

May mga nagtatanong kong legit ba raw ang ginawang paghingi ng ‘blessing’ ni Ion Perez sa nanay ni Vice Ganda sa It’s Showtime last Friday.

Napanood kasi sa nasabing noontime show ang urutan nina Vice at sinasabing dyowa niyang si Ion nung Biyernes ng tanghali.

“Humihingi po ako ng permiso. Puwede ba ako sa puso niya?” dialogue kasi ni Ion nang sabihin ni Vice na “Ay, nandiyan yung kapatid ko, dalawa, tsaka yung nanay ko. May gusto ka ba sabihin sa kanila?”

Bago pa siya nag-dialogue nang ganun ay tinawag na niyang “Ate, nanay…” at saka parang nahiya kaya pinalo kunwari ni Vice at saka hinalikan sa pingi.

Whew. Sila na nga ba talaga? May meet the parent nga sabi nga ni Mariel Padilla.

Walang masama kung maligaya sila.

Nauna nang kumalat na umamin na sila Vice at Ion at diumano’y nagli-live in na nga sila.

Lalabas nga raw si Ion sa  Gandang Gabi ni Vice ngayong gabi para umamin officially.

Ngumiti nanguna

Mas maraming Pilipino ang sumubaybay sa unang episode ng pinakabagong daytime Kapamilya serye na Nang Ngumiti Ang Langit nitong Lunes (Marso 25) ng umaga.

Ayon sa Kantar Media, nanguna sa national TV ratings ang NNAL na nakakuha ng 15.8% kumpara sa katapat nitong  Hiram Na Anak.

Bukod umano sa ratings, trending topic naman sa online ang pagbabalik ni Kaye Abad sa telebisyon.

Atom nag-imbestiga sa mga paraiso...

Ngayong Linggo (March 31), maglalakbay ang award-winning documentarist na si Atom Araullo sa ilang sikat na tourist sites upang alamin ang kalagayan ng mga ito sa Saving Paradise: The Atom Araullo Specials.

Ngayong taon, inilunsad ng pamahalaan ang isang inter-agency task force upang linisin ang Manila Bay. Subalit malalim ang ugat ng suliranin ng Manila Bay. Mula Maynila, magtutungo naman siya sa flagship rehabilitation project ng gobyerno:  ang Boracay na itinuturing na isa sa pinakasikat na tourist destination sites sa bansa at siya ring isa sa mga pinakamagandang beach sa buong mundo.  Matapos ang six-month closure, bukas na muli ang Boracay sa mga turista. Sisiyasatin ni Atom kung ano nga ba ang nagbago sa Boracay.

At sa Coron, ang tinaguriang ‘final frontier’ ng bansa at susunod na target ng rehabilitation ng pamahalaan, madidiskubre ni Atom ang kawalan ng isla ng matinong solid waste treatment facilities. 

Paano nga ba natin isasalba ang paraiso na ating bansa?

Mapapanood ito ngayong Linggo, 4:30 p.m., sa  GMA-7.

ION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with