Arjo and Jessy nagkasundo sa pagiging suki ng bashers
Inamin ng mga bida ng Stranded na sina Arjo Atayde at Jessy Mendiola na napag-uusapan nila ang bashers lalo pa nga’t pareho silang talagang napakahilig putaktihin ng mga negative comment sa social media.
Minsan daw, habang tinitingnan nila ang mga comments, sasabihin nila, “OA, no?” or di kaya naman, “grabe sila.”
“Ganu’n lang,” sabi ni Jessy.
Ayon naman kay Arjo, wala naman daw siyang pakialam talaga sa mga basher ever since at ang mas importante sa kanya ay ang suporta ng mga nagmamahal sa kanya.“Wala po akong pakialam. I am the wrong person to talk about bashing. Wala talaga akong pakialam,” he said.
Sabi pa ni Arjo, “I don’t even read. I don’t have time to read.”
When it comes to his family, thankful siya sa support ng mga ito at sa pagtatanggol na ginagawa sa kanya sa mga pangba-bash sa kanila ni Maine Mendoza.
Nang matanong si Arjo kung saan niya gustong ma-stranded kasama si Maine, hindi agad nakasagot ang aktor. “Ang hirap naman ng tanong na ‘yan,” sambit niya. “Kahit po saan,” nasabi na lang niya pagkatapos.
Nang matanong naman kung bakit naka-mask pa silang dalawa nang mag-date sa Star City recently, sagot niyang nakatawa, “saka ko na po sasagutin talaga, sorry po.”
Hahaha! Ang ilap nitong si Arjo talaga pagdating kay Maine.
Ken at Rita nasa Wish..
Ang sikat na tambalang BoBrey (Boyet-Aubrey) nina Ken Chan at Rita Daniela ng My Special Tatay ang bibida sa Wish Ko Lang ngayong Sabado.
Maaasahan daw bilang barangay tanod si Eugene (Ken) dahil handa siyang tumulong sa nangangailangan. Tapat din siya sa kanyang trabaho at walang bahid ng katiwalian ang kanyang pagkatao. Ang mga katangiang ito ang hinangaan sa kanya ng misis niyang si Sarah (Rita). Simple at masaya ang buhay ng mag-asawa. Basta ang mahalaga, makatulong sila at walang maagrabyado sa kanilang ginagawa.
Tunghayan ang tambalang Ken at Rita ngayong Sabado sa Wish Ko Lang (#KenAndRitaOnWishKoLang) kasama si Vicky Morales, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.
- Latest