Happy ako sa life ngayon ni Pauleen Luna, Mama Salve. Happy ako na nakikita ko silang dalawa ni Vic Sotto na magkasama at maligaya while travelling together sa iba’t ibang lugar. Ang saya dahil noon pa man, ‘yun na ang pangarap ni Pauleen, ang mag-travel na natutupad na ngayon at kasama pa niya ang kanyang beloved husband.
Hindi mo aakalain na napakabait na asawa ni Bossing Vic Sotto. Perfect provider at wow ha, napaka-caring na father. Kapag nakikita mo siya na inaalagaan ang anak nila ni Pauleen na si Talitha, talagang maiisip mo ang lucky ni Talitha paglaki nito.
Hindi mo rin aakalain na napakagaling na housewife ni Pauleen, maalaga at napaka-hands on sa kanilang household. I can see that they will be happy for a long long time, hanggang maging dalaga si Talitha.
Love is really blooming inside the Sotto house, making it a perfect home.
Nagbakasyon sa Japan ang Sotto family na kagagaling lang sa Holy Land. Nagpunta rin sa Japan ang ibang mga host ng Eat Bulaga dahil nag-taping sila para sa kanilang Lenten special na mapapanood sa Holy Monday hanggang Holy Wednesday.
Naging tradisyon na ng mga host ng Eat Bulaga na magbida at magdrama sa Lenten special na ginaya ng ibang mga programa.
For the coming Holy Week, parang pelikula ang inihanda ng Eat Bulaga na sure na magugustuhan ng viewers. Mas bongga ang Holy Week presentation ngayong taon dahil ipinagdiriwang ng Eat Bulaga ang 40th anniversary. Mahirap nang pantayan at mahigitan ang mga achievement ng number one noontime variety show sa Pilipinas na nagsimula noong 1979.
Sharon nawalan ng oras mag-emote sa social media
Hindi naman pala nananahimik si Sharon Cuneta dahil busy siya sa kanyang mga concert sa ibang bansa. Ang akala kasi ng fans, nagbakasyon muna si Sharon sa social media dahil gusto niya ng kapayapaan at katahimikan. ‘Yun pala, sadyang wala siyang panahon sa social media dahil aligaga ang Megastar sa kanyang US tour.
In fairness, marami sa mga kababayan natin sa Amerika ang tumatangkilik sa mga concert ni Sharon na bihira nila na makita nang personal. Paying customers ang mga nanonood ng concert ni Sharon sa Amerika dahil fans sila na may mga stable job at can afford na bumili ng expensive tickets.
Erap parang hindi pa rin marunong mapagod
Tatlo ang naglalaban, ang incumbent Mayor na si Papa Joseph Estrada, ang former Manila City Mayor na si Alfredo Lim at ang former Manila Vice Mayor na si Isko Moreno.
Sanay na sanay na si Papa Erap sa takbo ng pulitika kaya hindi na siya affected ng mga isyu na ipinupukol laban sa kanya. Naniniwala si Papa Erap na siya pa rin ang iboboto ng mga Manileño kaya matatapos niya ang third term ng kanyang paglilingkod bilang alkalde ng Maynila.
Nakakabilib si Papa Erap dahil sa edad na 81, masiglang-masigla siya at parang hindi marunong mapagod.Talagang hinahanap-hanap ng kanyang katawan ang public service.