Mga aso, may special god!
Mea Culpa. Mea Culpa. I feel so guilty na lagi ko naiisip ang mangyayari sa doggies ko kapag na-dead ako.
I feel guilty na hindi ko naisip ang dalawang anak at apo ko pero upset na upset ako kapag naiisip ko na kapag nawala ako, baka mapabayaan ang dogs ko sa kalye, apihin at saktan sila.
Naiiyak ako sa pag-iisip na tulad ng mga napapanood ko sa TV, mangyari sa kanila ang maltreatment of animals kaya siguro hindi tulad noon, isang linggo akong sad kapag may mga namatay sa mga alaga ko, now medyo kalmante na ako.
Naisip ko kasi na 72-years old na ako, 37 ang pet dogs ko pero namatay ang pinaka-favorite kong si Tiny kaya 36 na lang sila.
At least, konti na lang ang maiiwan ko kung sakali na mauna ako sa kanila.
Taking care of a pet ay parang pag-aalaga rin ng bata, may doctor, may shots, may grooming at magastos ang pagkain nila kaya bihira ang pumapayag na mag-adopt.
Dati nga sabi ko, parang impractical na mag-alaga ng maraming aso dahil sa laki ng gastos pero feeling ko, may special God ang mga dog and they pray to Him na bigyan ako ng pera para sa mga gastos nila.
And I also know, ang mga namatay kong dogs is looking over me, praying for my health and well-being para maalagaan ko pa ang ibang mga pet ko na buhay pa.
Ay naku, medyo sad pa ako dahil sa pagkawala ni Tiny, so pagbigyan n’yo muna ang mga hugot ko. Sure ako na naiintindihan ako ng mga anak at apo ko dahil mahilig din sila sa dogs.
Nandito ako ni Ogie babagay kay L.A!
Para siguro hindi ko masyadong maisip ang pagkamatay ni Tiny, grabe ang lagare ko noong Tuesday.
Si Papa Erap Estrada may pre-lunch presscon sa Annabel’s, may Take It... Per Minute!, may presscon ng Stranded, ang pelikula nina Jessy Mendiola at Arjo Atayde plus ang presscon sa Papa Kim’s para sa bagong single ni LA Santos.
Bongga ang hectic schedule noong Martes pero pumapasok pa rin sa isip ko si Tiny. Sad talaga ako pero natuwa ako at ire-revive ni LA Santos ang Isang Linggong Pag-Ibig, ang hit song ni Imelda Papin na bibigyan niya ng millennial twist.
Sabi ko nga, hingin ni LA at ng kanyang Mommy Flor ang Nandito Ako ni Ogie Alcasid at i-revive rin niya dahil for sure maganda rin ang magiging outcome.
Natuwa ako sa santambak na tinapay na ibinigay sa akin ni Mommy Flor kaya talagang mag- pray ako na ma-hit na ni LA Santos ang height ng career nito dahil napakabait na bata at very talented talaga siya.
Congrats kay LA at sa Isang Linggong Pag ibig na maging sana ay maging Platinum agad.
Bago ko makalimutan, kasama rin si LA sa cast ng Maria, ang action movie ng Viva Films na nagbukas kahapon sa mga sinehan.
Markado ang role ni LA dahil siya ang dahilan kaya na-trace ng masasamang loob ang kinaroroonan ni Maria, ang assassin na ginagampanan ni Cristine Reyes.
Bugbog-sarado si LA sa mga eksena niya at sabi ng mga nakapanood, bongga ang kanyang acting sa pelikula na very positive ang reviews.
- Latest