^

Pang Movies

Relasyon nina Maine at Arjo walang pakinabang sa kanilang career!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Relasyon nina Maine at Arjo walang pakinabang sa kanilang career!

Wala na talaga silang itinatago. Hayagan na ang relasyon nina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Noon lamang isang araw, magkasama rin sila sa isang alumni homecoming ng College of St. Benilde na ginanap sa isang venue sa BGC, and take note, wala silang takip sa mukha ha.

 

Sa ipinakikita nilang iyan, ibig sabihin wala na silang inililihim sa kanilang relasyon, tutal pareho na naman nilang inamin iyon. Pero totoo rin ang tsismis na may mga nagsasabi ring hindi maganda para sa kanilang career ang kanilang relasyon. Una, wala namang pakinabang iyon dahil hindi sila makakapagtambal sa telebisyon o sa pelikula. Nasa magkalabang networks sila.

May nagsasabi ring sa kabila ng kanilang pag-amin, parang bale wala iyon sa fans na iginigiit pa rin ang nakagisnan nilang loveteam. Pero ano pa nga ba ang magagawa ng pag-aalburoto ng fans eh talaga namang nagkagustuhan na iyong dalawa at ngayon nga ay hindi na sila umiiwas, sinasabi na nila ang totoo. Wala namang naririnig na objections mula sa kanilang mga pamilya. Wala ring objections mula sa kanilang managers, eh mapipigilan mo ba kasi kung talagang gusto nila.

Ang maganda pa nga kina Maine at Arjo, at least inaamin nila ang katotohanan, hindi kagaya ng iba na ayaw pang umamin at malalaman mo na lang ang relasyon kung nag-break na. Kaya nga sinasabi rin naman nila na iyang ganyang umamin simula sa umpisa, mukhang maaasahan mong magtatagal. Hindi na raw magbe-break iyan.

Pero lahat ng iyan ay speculations lamang, hindi naman masasabi ng kahit na sino kung ano pa ang mga kasunod na mangyayari sa kanilang buhay. Hindi natin alam kung ano pa ang gagawin ng mga taong tutol na tutol sa kanilang relasyon.

Matteo pinagmamalaki ang supporting award

Ipinagmamalaki ni Matteo Guidicelli na siya ay nanalong best supporting actor for television dahil sa kanyang naging performance sa kanilang seryeng Bagani. In fairness, mahusay naman talaga si Matteo sa nasabing serye. In fact noon pa nga lang una, may mga nagsasabi nang kung iisipin si Matteo ang talagang bagay na maging Bagani.

At least kahit na nga sabihing isang minor award giving body iyon na kilala sa pagkilala sa mga kumitang pelikula, nabigyan din siya ng parangal kahit na papaano. At least malinis na award iyon. Walang tsismis na basta nanalo ka ng award eh dahil “highest bidder” ka rin.

Maraming awards eh, hindi na nga lang napapansin ang karamihan dahil sa mga tsismis na anomalya sa mga iyon. Sa ngayon, dalawang samahan lang ng mga kritiko ang pinaniniwalaan namin.

Resulta ng pelikulang Tagalog, labanan ng flop

Nakakalungkot isipin, iyon daw dalawang pelikulang Pilipinong inilabas last week ay naglaban kung sino ang mas flop. Kumita lang daw ng 200 thousand sa first day iyong “napasma sa tagal”, at iyong nakalaban naman ay kumita lang ng 500 thousand dahil hindi pinaniwalaang pogi nga.

Walang problema sa sinehan. Wala ring problem sa audience. Ang dapat kasi,  ang ginagawa nilang pelikula ay iyong gusto ng audience para kumita sila. Mukhang hindi nila alam kung ano ang gusto ng mga nanonood ng sine eh, kaya lugi sila.

Dapat kung sino ang nagbabayad, siyang masunod.

MAINE MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with