Alden trabaho agad-agad pagkagaling ng Holy Land

Alden

Back to work agad si Alden Richards na dumating ng Thursday morning from his eight days vacation sa Holy Land. Back to his busy schedules na si Pambansang Bae. Mukhang nagpahinga lamang siya and freshen up dahil may post na siya agad na nasa bagong food chain store kasama ang sister niyang si Risa na siyang magma-manage ng kanilang branch sa Biñan. Malapit na ang formal opening nila sa April 26, at sa kasalukuyan ay nasa finishing touches na ito.

Kahapon, after nag-live sa Eat Bulaga, tumuloy na si Alden sa Candon, Ilocos Sur, para sa isang show doon at balik din siya after the show.  On Sunday, live na rin siya sa Sunday Pinasaya at pagkatapos, guest siya bilang isang security guard sa comedy series na Dear Uge ni Eugene Domingo.

May taping pa next week si Alden para sa Lenten Special ng EB na balitang this time, sila lamang nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza ang tig-isang araw, from Holy Monday to Holy Wednesday, na bibida sa three stories kasama ang ibang Dabarkads.

First week of April na raw ang alis nila ni Kathryn Bernardo para sa shooting ng untitled movie nila for Star Cinema. Three weeks daw silang magsu-shooting sa Hong Kong. Hindi pa sure kung may Holy Week break sila, na makakauwi pa sila rito or tuluy-tuloy ang pagsu-shooting nila roon.

Dingdong napaaga ang pagpalit kay Marian

Mas napaaga ang pagho-host ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, in place muna ng wife niyang si Marian Rivera na on maternity leave sa OFW drama anthology series niyang Tadhana. Ngayong Saturday, March 23 na ang first episode na ikukuwento niya ang buhay ng isang OFW, si Roselyn, ang nurse na pinaslang sa Chicago, Illinois, USA.

Gaganap bilang Roselyn si Empress Schuck, kasama ang nagbabalik-GMA na si Jennica Garcia, Ryan Eigenmann at Phytos Ramirez, at 3:15 pm, pagkatapos ng Dragon Lady.

MOWELFUND, 45 na

Isi-celebrate today ng MOWELFUND ang kanilang 45th anniversary, kasabay ang ground breaking ceremony para sa itatayong bagong gusali ng foundation na poponduhan ng Victor Consunji Development Corporation (VCDC).  Six months daw tatapusin ng VCDC ang bagong building at saka ililipat ang FPJ Museum at pambansang museo ng pelikula at ng Mowelfund Film Institute.

Show comments