Lorna at Mark hinihintay ang magkaroon ng engkuwentro!

Lorna

Iniisip ng manonood ng top action series na FPJ’s Ang Probinsyano kung magkakaroon ba ng encounter of sorts ang mga karakter na ginaganapan nina Lorna Tolentino at Mark Anthony Fernandez.

Parehong kontrabida ang papel nila sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin. Si Lorna ay gumaganap bilang Lily at si Mark bilang Brando.

Magkaroon kaya sila ng fight scenes?

In real life, of course, we all know that Lorna is the widow of the late action star, Rudy Fernandez, na ama naman ni Mark, whose mom is Alma Moreno.

Marami ang nakapuna sa improved acting ni Mark sa AP. As for Lorna,  consistently ay magaling siyang actress.

Amy ‘di nagkakaedad ang hitsura

Guess who bumped into sa corridors ng ABS-CBN last Thursday?

Amy Austria, whom we congratulated for her top series, Halik, kung saan gumaganap siya bilang ina ni Jericho Rosales.

Kay Amy, na parang hindi tumatanda (57 years old na siya) namin nalaman na hanggang May pa ang Halik na pinagbibidahan din nina Yam Concepcion, Yen Santos, Sam Milby, Cris Villanueva at Romnick Sarmenta, among others.

May adopted daughter si Amy, si Alexandra, sa late actor na si Jay Ilagan na namatay sa isang bike crash noong 1992.

Kamakailan lang ay nag-renew ng kanilang wedding vows sina Amy at Duke Ventura.

Showtime Indonesia, puro sikat din ang hosts

Wow, congrats sa Kapamilya’s noontime show, It’s Showtime na hindi na lang sa Pilipinas mapapanood kung hindi sa Indonesia na rin.

Tulad ng It’s Showtime version dito sa Pilipinas, mga sikat ding Indonesian talents ang ipi-feature sa programa, ayon kay Sir Peter Dizon na unit head ng programa. And they include singer-comedian actor Raffi Ahmad, model-turned-actress Luna Maya, host Indra Herlambang, host-actress Chika Jessica, Filipino TV host and recording artist Leo Consul, plus rockstar twins MusBrother.

In the Philippines, of course, ang regular hosts ng Showtime aside from Jugs and Teddy, ay sina Anne Curtis, Vhong Na­varro, Mariel Rodriguez-Padilla, Amy Perez, Jhong Hilario, Karylle at Vice Ganda.

Occasionally, naiimbitahan si Kim Chiu na maging guest co-host.

Gayunpaman, ayon pa rin kay Sir Peter, sa Indonesian version ng Showtime, featured ang segments na pumatok sa Showtime PH, ang Sine Mo ‘To, Cash-Ya Kaya, Ansabe, Copy Cut at Bida Kapamilya.

By the way, in October, magdiriwang ng 10th anniversary ang It’s Showtime.

Ito raw ang dapat abangan, ayon kay Sir Peter.

Inigo magi-shift sa music

May planong lumipat ng kurso si Inigo Pascual this coming school year. With his dad’s permission, lilipat daw siya sa Music.

Kasalukuyang enrolled si Inigo sa Entrepreneurship.

Ang ganda nga naman, kung tutuusin, ng musical career ni Inigo. ‘Di lang siya itinuturing na one of the most in demand singers in his age, he is a composer, too.

Fluent in English and a good speaker, too, he is now a regular VJ (video jockey) of the music channel, MYX.

Show comments