^

Pang Movies

Boses ni Nora Aunor hinihintay kung makakabalik pa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Philstar.com
Boses ni Nora Aunor hinihintay kung makakabalik pa
Nora Aunor

Mahina raw ang nakaraang serye ni Nora Aunor. Pero bakit si Nora ang sasabihan nang mahina eh si Jo Berry ang bida roon? Pero diba sinasabi nila na sikat si Nora? At sino naman si Jo Berry para ikumpara ninyo sa mga artista eh baguhan lang siya?

Ganyan ang nagiging pagtatalo ngayon dahil sa sinasabing kahit na sa huling sandali, inilampaso pa rin ng serye ni Angel Locsin na The General’s Daughter ang natapos nang serye ni Nora Aunor.

Kaya nga ewan kung ano na naman ang ipagagawa nila ngayon kay Nora. Marami ang naniniwala na kahit na papaano may batak pa ang pangalan ni Nora Aunor. Sabihin mo mang hindi na ganoon karami ang fans niya, sabihin man nilang hindi na kumikita kagaya nang dati ang mga pelikula niya, sabi nga nila “Nora Aunor is Nora Aunor”. Kailangan nga lang siguro ng isang mahusay na diskarte sa kanyang career para makabalik pa siya.

Ang sinasabing “sure fire” sana para makabawi siya ng popularidad ay kung makakakanta nga siya ulit at kung ang boses niya sa kanyang muling pagkanta ay kagaya pa rin ng dati. Kung kami ang nasa kampo ni Nora, pipilitin naming makakanta siya. Sukdulang ang alok ng tutulong sana sa kanya ay sila ang makikipag-usap sa doctor na makakatulong sa kanya, after all si Nora pa rin naman ang pipili ng doctor na sila lamang ang kakausap. Aba, okay na deal na iyon.

Marami na rin namang tumulong sa pagpapa-opera kay Nora eh, kaso hindi rin matuluy-tuloy.

Malapit na naman ang Mayo, mauungkat na naman ang matagal na niyang ipinangakong birthday concert niya. Balak nila sa Araneta pa iyon, buhay pa si Kuya Germs noon. Eh kung hindi siya kikilos, matutuloy pa ba ang sinasabi niyang concert? Iyon sana ang isang paraan para mabakawi siya.

Kathryn Bernardo at Nadine Lustre masaklap ang kapalaran nang ‘mahiwalay’ sa loveteam

Halos pareho ang kapalaran nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.

Iyong unang pelikula ni Kathryn Bernardo, minus Daniel Padilla, kahit na kasama pa sina Sharon Cuneta at Richard Gomez, kumita lamang ng katumbas ng one day gross ng pelikula nila ng kanyang ka-love team.

Si Nadine Lustre rin, sa kanyang unang movie na hindi kasama si James Reid, kahit na nilagyan pa ng tikbalang sa pelikula at sinabing Grade A ng CEB (Cinema Evaluation Board), hindi rin masyadong tinao. Kasi nasabay pa siya sa panahon na nagkakagulo ang Metro Manila dahil walang tubig, at inis na inis ang mga tao dahil walang ulan. Ayaw nila ng Ulan lang sa sine, gusto nila noon iyong totoong ulan.

Palagay namin, dapat magbalik na lang sila sa loveteam nila. Hindi rin kami naniniwala na ito ang panahon ng pagpapalit ng love teams. Baka mangamote lang sila.

Male personality may hits sa throwback

May isa pang malungkot na balita, umani rin ng kamote at kalabasa ang pelikula ng isang male personality. Mukhang ang panahon na hits ang mga pelikula niya ay pang-throwback na lang. Hindi na kinakagat ngayon ito, ano man ang gawin niya. Mukhang ang natitira na lang na options para kay kuya ay mag-negosyo at mag-retire na sa showbiz.

Kung hindi naman siguro, puwede na lang siyang magbigay ng workshop sa mga baguhang gustong matuto.

KATHRYN BERNARDO

NADINE LUSTRE

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with