Showtime family suportado ang Papa Pogi

Teddy

Huhusgahan na ngayon ang tandem nina Teddy Corpuz at Direk Alex Calleja sa first movie nila, ang Papa Pogi ng Regal Entertainment, Inc. First lead role ito ni Teddy at first directorial job din ni Direk Alex. Hindi mapigil ang tawanan ng audience sa Cinema 6 ng Trinoma Mall last Monday na nag-premiere ang movie. Bukod sa cast na kinabibilangan nina Teddy, Myrtle Sarrosa, Donna Cariaga, Nonong Ballenan, Dawn Chang at Hashtag members Nikko Natividad, Zeus Collins at Luke Conde, sinuportahan din sila ng mga taga-It’s Showtime.

Nanguna si Vhong Navarro, kasama rin ang iba pang hosts ng show na sina Karylle at Ryan Bang. Sumuporta rin ang Boy Band ng GMA Artist Center, ang JBK Millennial Trio na sina Joshua Bulot, Bryan del Rosario and Kim Ordono, si Janus del Prado, Aljur Abrenica, at marami pang iba.

Present din sa premiere night si Mother Lily Monteverde at dinig niya ang tawanan at palakpakan ng audience sa walang hintong nakakatawang eksena. Sa movie patutunayan na hindi mahalaga kung guwapo o maganda ka, o mayaman ka, ang mahalaga ay ang magandang kalooban ng isang tao.

Given a B-grade ng CEB at Parental Guidance ng MTRCB, simula na ngayong Wednesday ang showing nationwide ng Papa Pogi.

Yasmien gustong tumulong sa mga OFW

Congratulations to Yasmien Yuson Kurdi-Soldevilla. Sa kanyang graduation picture, caption ni Yasmien sa kanyang Instagram “Little girls with dreams become women with vision #Filipina”

Yes, graduate na nga si Yasmien sa Arellano University with a degree in Political Science.  Nakakahanga na sa kabila ng lagi namang may ginagawang teleserye si Yasmien sa GMA Network, naisabay pa niya ang kanyang pag-aaral at naka-graduate in college.  Noon pa ay nag-aaral na ng Nursing si Yasmien, pero nang magkaasawa at magkaanak, isinaisantabi muna niya ang studies niya.

Nang lumaki na at nag-aaral na rin ang only child nila ni Rey, ang six-year-old na si Ayesha Zara, itinuloy niya ang pag-aaral niya ng Political Science. Hindi kami magtataka kung itutuloy ni Yasmien sa pag-aaral ng Law ang kanyang degree dahil noon pa, ay laging sinasabi ni Yasmien na gusto niyang tulungan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na laging exploited ng mga agencies at mga employers na kumukuha sa kanila para magtrabaho abroad.

Sa ngayon ay puspusan ang taping ni Yasmien ng Hiram Na Anak, na aantig sa puso ng mga sumusubaybay dahil concerned dito ang pagmamahal ng isang ina sa isang bata, kahit pa hindi niya ito tunay na anak.  Katambal si Dion Ignacio na co-StarStruck batch one ni Yasmien, napapanood ito araw-araw, 11:20 AM, bago ang Eat Bulaga.

Show comments