^

Pang Movies

Star Dreamer na sina Camille at Kim, pasok sa Bahay ni Kuya!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang madamdaming eviction night ang naganap nitong Linggo (March 10) nang dalawa sa mga housemate ang naging evictee mula sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Otso –sina Mark at Mary Grace.

Bago tuluyang lumabas ng Bahay, binalikan ni Mary Grace ang kanyang mga natutunan sa loob ng Bahay. Hindi naman malilimutan ni Mark ang pag-alis ni Apey.

Dahil dalawa ang tuluyan nang lumisan sa Bahay ni Kuya, dalawa naman ang napiling pumasok mula sa Camp Star Hunt, ang Star Dreamers na sina Camille at Kim.

Pumasok ang dalawa matapos ang kanilang tagumpay sa inabangang Ultimate Pinoy Big Battle, kung saan natalo ng Team Camp ang Team Bahay. Ang Ultimate Pinoy Big Battle ang huli at pinakamatinding pagsubok na pinag­daanan ng mga Star Dreamer at Housemate matapos sumailalim ang lahat sa isang linggong military training.

Ngunit bago matapos ang gabi, isa namang pasabog ang inihayag ng isa sa mga host na si Bianca Gonzales—apat na House Challengers o dating mga housemate ang babalik sa Bahay ni Kuya. Binubuo ito nina Abi, Tori, Wakim, at JC. Kung ano ang kanilang misyon, malalaman ito sa mga susunod na araw.

Nagbigay rin ng pahiwatig si Melai Cantiveros, ang isa sa mga host, na may isa pang papasok sa Bahay ni Kuya, na kanyang tinawag na Haligi ng OPM.

Nag-trend worldwide ang palabas habang pumalo ng higit sa 100,000 ang pinagsamang bilang ng viewer nito sa YouTube (56,000) at Facebook Live (51,000)

Panoorin ang PBB Otso, gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng Halik, tuwing Sabado pagkatapos ng Home Sweetie Home, at tuwing Linggo pagkatapos ng Wansapanataym.

 

vuukle comment

PINOY BIG BROTHER OTSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with