^

Pang Movies

Captain Barbell ni Dolphy binuhay, palabas uli sa mga sinehan

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Captain Barbell ni Dolphy binuhay, palabas uli sa mga sinehan

Sa imbitastayon ng head ng Film Restoration at Dolphy Theater ng ABS-CBN na si Leo Katigbak, napanood namin sa Cinema 3 ng Santolan Town Plaza sa San Juan City ang premiere night ng  bagong restored na 1973 action-comey movie ng Comedy King na si Dolphy, ang Captain Barbell nung nakaraang Miyerkules ng gabi. Ito’y dinaluhan ng ilang kilalang personalidad sa pangunguna mismo ng tatlo sa mga anak ng yumaong si Dolphy (sa dating actress na si Pamela Ponti) na sina Ronnie, Eric at Epy Quizon.

 

Puno ang Cinema 3 at nag-enjoy ang lahat ng mga nanood na karamihan ay millennials. Tawa nang tawa ang audience, at kasama na rito ang magkakapatid na Ronnie, Eric at Epy who were still small kids nang ipalabas ang pelikula ng kanilang dad.

Dumating din ang musician-actor na si Jong Cuenco who represented his late dad, ang composer, film scorer and musical director na si Ernani Cuenco.

Ang Captain Barbell ni Dolphy na dinirek ni Jose ‘Pepe’ Wenceslao ay tinampukan din nina Lotis Key, Panchito, Babalu, Katy de la Cruz, Bayani Casimiro, Martin Marfil, Rocco Montalban, Georgie Quizon, Joaquin Fajarco, Roldan Aquino at iba pa kung saan kasama rin si Maricel Soriano na walong taong gulang pa lamang noon.

Ang newly-restored 1973 Captain Barbell ni Dolphy ay mapapanood na ngayon until March 26 kasama ang iba pang restored classic movies tulad ng Dekada `70, One More Chance, Tag-Ulan sa Tag-Araw, Kung Mangarap Ka’t Magising, Nasaan Ka Man, Karibal, Gimik: The Reunion, Karnal, Ikaw Pa Lang ang Minahal, Banaue, Pare Ko, at Sana Maulit Muli.

Angelica gusto na ring magka-pamilya

Tiyak na nalungkot ang CarGel fans ng da­ting magkasintahang Angelica Panganiban at Carlo Aquino dahil tuluyan nang lumabo ang inaaasahang balikan ng dalawa matapos ang kanilang matagumpay na balik-tambalan sa pelikulang Exes Baggage na dinirek ni Dan Villegas at ipinalabas in late September 2018 at kumita sa takilya ng P355.5-M.

Dahil sa tagumpay ng Exes Baggage, isinama si Carlo sa Angelica-Zanjoe Marudo-starrer TV series na Playhouse na magtatapos na sa ere sa darating na Marso 22 pero hindi nangyari ang inaasahang pagkakabalikan nina Angel at Carlo na sinasabing may ibang girl na non-showbiz.

At 32, seryoso si Angelica kung sino man ang kanyang makakarelasyon balang araw dahil gusto na rin niyang bumuo ng sarili niyang pamilya.

Samantala, marami naman ang nagtaka kung bakit hindi sinipot ni Carlo ang red carpet premiere ng unang tambalan nila ni Nadine Lustre, ang Ulan na magkahiwalay na ginanap sa SM Megamall at sa Cinema 7 ng Trinoma Mall nung nakaraang Lunes ng gabi, March 11.

Kasabayan nina Sanya, Ken at Jak sumisikat na rin!

Tuwang-tuwa si Rhen Escano na dating mga kasamahan nina Sanya Lopez, Ken Chan at Jake Vargas sa now-defunct late night TV program na Walang Tulugan with the Master Showman ng yumaong star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno dahil malapit na niyang maabot ang kanyang pangarap na makilala nang husto bilang isang actress.

Although na-train si Rhen sa singing, dancing at hosting sa Walang Tulugan..., hindi nito ikinakaila na acting ang kanyang passion ngayon.

Bukod sa nakagawa na rin siya ng ilang TV series noon sa bakuran ng GMA, nakagawa na rin si Rhen ng ilang indie movies.

Si Rhen ay kasama sa bagong movie na pagtatambalan nina Cristine Reyes at Xian Lim sa bakuran ng Viva Films at inihahanda na rin ang kanyang launching movie na nakatakdang idirek ni Yam Laranas. Nakapagbida na rin siya ng ilang TV series sa Sari-Sari Channel ng Viva TV.

DOLPHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with