Chokoleit hindi mahilig magpa-check up, Pokwang inakalang fake news ang pagkamatay ng kaibigan

Chokoleit

Ayon kay Pokwang sa kanyang video interview ng katotong Allan Sancon na napanood namin sa YouTube, way back 2013 pa raw talaga ay may problema na sa paninikip ng dibdib ang yumaong kaibigang si Chokoleit.

Kuwento ni Pokwang na nakausap ng press sa unang gabi ng lamay ni Chokoleit sa Antipolo last Monday, galing sila sa Canada nu’n at sa eroplano raw ay nahirapang huminga si Cho­koleit.

“Sa eroplano pa lang, nag-oxygen na ‘yan, hindi na makahinga. So, mahina na talaga ‘yung ano ng baga niya,” sabi ni Pokie.

Pagbaba ng eroplano ay nagpa-ospital na raw ito at dinalaw pa nga raw nila.

Ang mahirap pa raw ay hindi nagpapa-check-up ng regular si Chokoleit.

Nasa Bataan daw siya nang malaman niyang wala na ang kaibigan. Tulog na nga raw sila nu’n at nagising lang siya sa rami ng text messages at calls.

“Naka-silent ‘yung phone ko, so, nararam­daman ko, vibrate nang vibrate,” kwento pa niya.

Nang tingnan niya, ang una raw niyang nabasa ay ang text ni direk Don Cuaresma at tinatanong kung totoo ba ‘yung kay Chokoleit. Wala raw siyang idea kung ano ang tinatanong ng direktor dahil wala pa nga raw siyang alam

“Tapos, sunod-sunod na. May text si Angelica (Panganiban), may text si Vice (Ganda), si Pooh, si K (Brosas), sabi ko, ‘ano ‘to?’ Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kasi wala akong idea. Tsinek ko ‘yung social media, Twitter, Facebook, my God! Tapos, tumawag sa akin si K, iyak na ng iyak si K, si Angelica,” patuloy ni Pokie.

“’Yung iyak ko, impit na impit kasi, ‘yung baby, baka magising. Sabi ko, ‘ano ‘to’ sabi ko, sana, joke lang, alam mo ‘yun, ‘yung fake news?” sey pa niya.

Ang dami pa raw nilang plano ni Chokoleit at isa na rito ay lilipat pa raw sana ito sa Antipolo sa lugar nila dahil medyo binabaha ang tinitirhan nito.

Plano pa raw nilang magkaroon ng show sa Araneta Coliseum.

“Ang dami na­ming gusto this year sana,” sabi pa ng komedyana.

Hindi raw niya tinapos panoorin ang video ng last performance ni Chokoleit sa Abra dahil nang una pa lang niyang makita na hinihingal na ito, hindi na niya kinayang ituloy pa.

Sa bandang huli ay napaiyak na si Pokie nang tanungin kung ano ang gusto niyang iparating sa yumaong kaibigan.

“Ako, ang message ko, thank you, thank you sa masasayang araw, sa masasayang oras na lagi tayong magkakasama. At saka du’n sa mga secret  na alam ko, marami akong inano sa ‘yo,” umiyak na sabi ni Pokwang.

Nang matanong kung gusto ba niyang magparam­dam sa kanya ang kaibigan aniya, “Diyos ko, oo naman, oo naman.”

Mami-miss daw niya kay Chokoleit ang pagpunta-punta nito sa bahay niya at pag-uuwi ng pagkain, gayundin, ang pagbibigay sa kanya ng advice.

Show comments