Bianca Umali nanahimik sa kanyang birthday

Bianca Umali

Parang kailan lamang nag-debut si Bianca Umali, pero last March 2, she turned 19 years old na. 

Wala kaming narinig na nag-celebrate siya ng birthday, siguro dahil masyado siyang busy dahil malapit nang mag-air ang bago niyang teleserye, na siya ang title role, ang Sahaya.

Last Sunday, March 10, lamang siya nagdiwang ng birthday sa Sunday Pinasaya na ipinakita niya ang husay niya sa pagsasayaw, kasama si Loveliness Alma Moreno.

Ipinakita ni Bianca ang husay niya sa pagsayaw, dahil na rin ng training niya para sa role niya as Sahaya.

Si Miguel Tanfelix pa rin ang leading man niya sa palabas.

Jo at Wendell nakitaan ng kilig

Kung kailan nasa finale week na ang family drama na Onanay saka naman niri-request ng mga netizen na sana raw ay i-extend pa ng GMA Network ang serye dahil kinikilig sila sa mga bidang sina Wendell Ramos at Jo Berry, ang bago raw love team ng GMA at tinawag nilang LuNay para sa Lucas at Onay.

Kinilig sila nang magtapat na ng love niya si Lucas kay Onay, na umamin ding mahal niya si Lucas, kaya lamang ay tinanggihan nito ang engagement ring na ibinibigay nito.

Kayo dear readers, ano ang gusto ninyong ending ng Onanay, masaya o malungkot?

Sa Friday na, March 15, ang grand finale, after ng Kara Mia.

Kylie pinaiyak ni Gladys

Maraming natatakot masampal sa eksena ng mahusay na kontrabidang si Gladys Reyes. Pero si Kylie Padilla, hindi nakaiwas na masampal sa eksena nila ni Gladys sa political rom-rom na TODA One I Love ng GMA News & Public Affairs.

“Hindi ko po in-expect na ganoon kalakas ang sampal ni Ate Gladys,” natatawang kuwento ni Kylie. “Alam ko pong sasampalin niya ako sa eksena, pero hindi ko na pinaghandaan iyon. Madaling-araw na kinunan ang eksena, kaya baka nakita niya akong inaantok na kaya tinutoo niya ang sampal sa akin. Pero very effective po, kasi totoo akong napaiyak, na kailangan din sa eksena, after niya akong sampalin.”

Tinanong daw siya ni Gladys kung masakit, pero nagpasalamat pa si Kylie, dahil naging totoo rin ang reaction niya. Nagyakapan na raw lamang sila pagkatapos.

“Ready po naman ako sa mga ganoong eksena pero hindi ko lamang talaga in-expect na ganoon nga kalakas ang sampal niya. Nagising po ako talaga.”

Show comments