^

Pang Movies

Cristine wala pa ring deklarasyon sa hiwalayan nila ng asawa!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Cristine wala pa ring deklarasyon sa hiwalayan nila ng asawa!

Hindi na kailangang magpaseksi ni Cristine Reyes sa bagong movie niyang Maria dahil deklara niya sa mediacon ng pelikula, “I am sexy!”

Sa promo materials ng Pedring Lopez film, naka­lantad pa rin ang alindog ni Cristine kahit na nga fierce na fierce ang hitsura niya. Pero diin niya, “Walang akong intimate and sexy scenes sa movie. Panoorin nila ang buong movie para malaman nila kung bakit matindi ang galit ko!” rason ng aktres.

Ayon pa sa kanya, sinusunod niya lahat ng instructions ng director at writer ng pelikula. “Hindi ako umuuwi nang maaga dahil gusto kong maibigay ang lahat sa character ko,” sey pa niya.

Malaking tulong ang pagiging nanay ni Cristine ngayon kaya sabi niya, “I value my work more now!”

Eh kahit nag-abroad kamakailan kasama ang anak, wala pa ring direktang kumpirmasyon si Cristine kung hiwalay na sila ng asawa, huh!

IBC palalakasin na ang signal, Kat de Castro maraming plano

Uunahin muna ni Kat de Castro ang pagpapalakas ng transmitter ng IBC 13 ngayong siya na ang bagong appointed na President at CEO ng network na naging number one noong hindi pa namamayagpag ang GMA-7 at ABS-CBN.

“Sa Quezon City lang yata malinaw sa free TV ang Channel 13. Malabo na ito sa ibang lugar lalo na sa probinsiya,” pahayag ni Kat nang makaharap ng press kahapon.

Naibenta na ang bahagi ng IBC 13 na tinawag na Broadcast City pero merong bahaging naiwan doon na tinawag nilang IBC Compound. Eh para magkaroon ng bagong interest ang manonood, meron silang tinatawag na Ultimate Throwback kung saan ipinalalabas ang well-loved shows ng network noong 80s hanggang 90s.

Ito ay ang shows na TODAS (Monday-Friday 730PM), Sic O’ Clock News 9 (Monday-Friday 6PM), Hapi House (Monday-Friday 4PM) at Retro TV at Cooltura.

Bilin ng ama niyang si Noli ‘Boy’ de Castro, alagaan niya ang mga tao sa network dahil sa IBC 13 rin siya nagsimula bilang voice over announcer sa See True talk show ni Inday Badiday.

Bilang pag-aalala sa heydays ng IBC 13, isang documentary ang ginawa ni Kat, ang The Original No. 1: IBC 13’s Legacy to Philippine Television, na mapapanood this Friday at 9:30 p.m..

Unti-unti na rin nilang binabayaran ang retirement pay ng mga empeyado ng network na hindi naibigay nu’ng na-sequester ito.

CRISTINE REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with