^

Pang Movies

Cristine pasabog ang pagiging action star, hinihintay magsalita sa asawa!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Cristine pasabog ang pagiging action star, hinihintay magsalita sa asawa!
Cristine Reyes

Ang husay ni Cristine Reyes sa action-thriller movie na Maria.

Kitang-kita na nag-training siya ng martial arts na obvious na naituro ng mister niyang sinasabing nakahiwalay na niya na si Ali Khatibi na isang MMA expert.

Lalo na sa mga eksenang ma-action at nakikipagpatayan siya, wow.

Kuwento tungkol sa paghihigante ang pelikula na very well made at dinirek ni Pedring Lopez.

Halatang napaghandaan niya ang role ni Lily / Maria sa mala-Kill Bill na pelikula.

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Maria.

Pero, teka nasaan na nga kaya ang husband ni Cristine?

Or baka naman magsalita siya sa promo ng action movie niya na first time niyang ginawa tungkol sa naging kapalaran nila ng asawa na ama ng kanyang anak na si Amarah.

Sen. Ping lacson, naki-join sa pagba-blind items!

Si Senator Ping Lacson ang ‘Sino” nina Arnold Clavio and Ali Sotto sa kanilang radio program na Double A sa Double B.

Nakakatatlong blind items na kasi si Sen. Ping tungkol sa mga kandidato na umano’y hindi niya iboboto.

Exciting ang mga blind items niya sa mga kapwa pulitiko sa kanyang Twitter account at parang nakikipagsabayan kay papa Arnold. Hehehe.

Ang isa sa blind item ay tungkol sa isang kandidato na isa sa ipinapangako raw ay ang pagpapasa sa 17th congress ng isa nang batas at pirmado na ni Pres. Duterte. Tinawag niyang ‘lazy idiot’ ang nasabing pulitiko na hindi raw makakakuha ng boto niya.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with