Hayden mahusay na star builder!
Gusto kong isipin na si Hayden Kho, Jr. ang pinakamahusay na star builder ngayon, base sa nagawa niya sa sobrang popularity ng kanyang anak na si Scarlet Snow Belo.
By his continuous posting about Scarlet, naging aware ang mga tao sa presence ng bagets na hinangaan nila.
Wala sa plano ni Hayden na gawin na commercial model si Scarlet dahil ang dami-daming offers ang natatanggap nito pero take it or leave it ang talent fee na sinasabi niya.
Mga presyong ayaw pero nagugulat pa sila ni Dra. Vicki Belo dahil pumapayag ang mga advertiser na gustung-gusto na makuha si Scarlet na endorser ng kanilang mga produkto.
Sa tuwing may mga commercial shoot si Scarlet, nakabantay si Hayden dahil ayaw nito na nakikita na nahihirapan ang kanyang anak.
Kapag inaantok si Scarlet, pinagpapahinga at pinatutulog muna nila. Hindi pinipilit ni Hayden si Scarlet kapag wala ito sa mood dahil ang mag-enjoy lang ang kanyang anak ang gusto niya.
Endorser si Scarlet ng mga major product tulad ng Baby Belo, Red Ribbon at ngayon, ng Jollibee.
Sa totoo lang, maraming offers pa ang tinatanggihan nina Vicki at Hayden.
Just like Vicki, brand na rin si Scarlet, thank to her father. Ang galing talaga ng packaging ni Hayden sa anak nila ni Vicki. Awesome! Congrats Hayden, the perfect dad for Scarlet and loving husband of Vicki.
Fans na diktador walang nagawa kay Maine
Nabulabog na naman ang fans ng AlDub nang kumalat ang litrato nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na kuha sa Taiwan.
May mga naloka dahil sa kanilang realization na hindi lang exclusively dating ang dalawa dahil obvious na may relasyon na sila.
Magkasama na nagpunta sa Taiwan sina Maine at Arjo noong Linggo, ang actual birthday ng dalaga na saludo ako dahil hindi siya afraid na sabihin sa buong Pilipinas na may special relationship sila ni Arjo.
I’m sure, sa una lang maloloka ang fans dahil eventually, matatanggap din nila ang katotohanan na may sariling isip at desisyon si Maine. Na hindi siya madidiktahan ng kahit na sino, lalo na kapag ang personal happiness niya ang nakataya.
Hindi naman maibibigay ng mga jealous fan ang happiness na nararamdaman ni Maine sa tuwing kasama nito si Arjo na pinuputakti ng mga batikos pero dedma dahil mas importante sa kanya ang lumalalim na relasyon nila ng Eat Bulaga co-host.
Sarah binagayan ng bagong hairdo
Nag-pictorial na pala si Sarah Geronimo para sa bagong movie project niya sa Viva Films pero hindi pa alam ang final title. Bago ang hairstyle ni Sarah at bagay sa kanya ito.
Si Jun Lana ang direktor ng pelikula pero gaya ni Sarah, tahimik din siya. Hindi nagkukuwento si Jun tungkol sa plot ng pelikula na pagbibidahan ni Sarah as in parang gusto nilang gulatin ang publiko.
Mahusay na direktor si Jun. Magaling din siya na writer kaya tiyak na bongga ang project na gagawin nila ni Sarah na may pulso at marunong pumili ng pelikula na babagay sa kanya.
- Latest